^

PSN Palaro

Maraming maaasahan sa RP boxers

-

NAKHON RATCHA-SIMA--Lumilinaw ang kampanya ng Philippine- boxing team sa 24th Southeast Asian Games nang agad maglista ng magaan na panalo sina Pinay boxers Josie Gabungco at Analisa Cruz at Godfrey Castro sa panimula ng boxing event na ginanap sa Municipality of Tumbon Mueangpug Gymnasium dito.

Agad na sumuntok ng 9-6 panalo si Gabungco sa kanyang panalo kay Yen Vu Thi Hai ng Vietnam sa 46 kg women’s quarterfinal bout.

Hindi rin nagpahuli si Cruz na dinomina ang laban kontra kay Su Aye Chaw ng Myanmar, 28-12 sa kanilang laban sa 52 kg. weight class.

Sa kalalakihan, umusad din sa susunod na round si Castro na nagpamalas ng impresibong Referee-Stopped-Contest na panalo kay Chantasone Xayyaphone ng Laos.

Kasulukuyang nakikipagbakbakan pa si Larry Semillano kay Vietnamese boxer Quang Duh Dinh.

Ang panalo ng tatlo ay nagsiguro sa kanila ng bronze medals kasama ang naunang anim na boksingerong sinuwerte sa draw.

Nakasiguro ng bronze at maghahangad na makasulong sa gold medal bout ay sina Annie Albania (50kg), Jouvilet Chilem (54kg), Mitchele Martinez (60kg), sa kababaihan, habang sa kalalakihan naman ay sina Vicente Vicera (45kg), Orlando Tacuyan (57 kg), at Junie Tizon (75kg).

Malaki ang tsansa ng mga nabanggit na boksingero na makausad sa gold medal round kung saan makakalaban nila ang ibang boksingero mula sa ibang bansa at hindi agad sa host Thailand.

Ang tanging nasa balag ng alanganin ay si Vicera na agad mahaharap sa Thai boxers sa semis, na makikipagpalitan ng kamao kay Pongprayoon Kaeo sa 45 kgs category. Ang semis ay magsisimula sa Disyembre 11. (Dina Marie Villena)

vuukle comment

ANALISA CRUZ

ANNIE ALBANIA

CHANTASONE XAYYAPHONE

DINA MARIE VILLENA

GODFREY CASTRO

JOSIE GABUNGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with