^

PSN Palaro

Quarterfinal cast kinumpleto ng Pharex

-

Nangailangan ang rookie team Pharex ng overtime upang igupo ang Bacchus Energy Drink, 83-79 at kumpletuhin ang quarterfinal cast ng 2008 PBL V-Go Energy Drink Cup.

Umiskor si Emerson Oreta ng ringless three-pointer  upang ipuwersa ang overtime na kanilang kinontrol at kumpletuhin ang come-from-behind win.

Kinana ni Oreta, dating Santo Tomas stalwart, ang apat sa anim na three pointers ng Medics sa  fourth quarter sa kanyang 20-puntos tulad ni Francis Allera para sa Pharex (2-7) na haharap sa San Mig Coffee Kings sa quarterfinals na taglay ang twice-to-beat bunga ng mas mataas na record.

Dahil sa mas mataas na record, inangkin ng Coffee Kings ang twice-to-beat sa susunod na round.

Sa ikalawang laro ng triple bill sa Rizal Memorial Coliseum, dinurog ng Toyota Balintawak ang Mail & More, 78-66, para makakuha ng playoff para sa ikalawang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Umangat ang Roadkings sa 5-4 kasunod ang Comets, 4-5 habang bokya ang Raider sa 8 laro.

Sa ikatlong laro, sumulong naman ang Hapee Toothpaste sa ikasiyam na sunod na panalo matapos ang 85-81 panalo sa San Mig Cofee na nalaglag sa 4-4 record. (Mae Balbuena)

vuukle comment

COFFEE KINGS

DRINK CUP

EMERSON ORETA

FRANCIS ALLERA

HAPEE TOOTHPASTE

MAE BALBUENA

PHAREX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with