Semis sinakyan ng Toyota
Mas matindi ang deter-minasyong ipinakita ng Toyota Balintawak upang igupo ang Burger King at angkinin ang huling semifinal slot sa PBL Unity Cup sa pagtatapos ng semis round sa Olivarez Sports Centre kahapon.
Sumandal ang Road-kings sa championship experience ni Eugene Tan at sa eksplosibong laro ni Marvin Cruz at sa kanilang pisikal na laro para maku-ha ang karapatang hara-pin ang No. 1 seed na Ce-buana Lhuillier Pera Padala.
“We took advantage of
Magsisimula ang best-of-three semis series ng Toyota at ng Cebuana bukas sa The Arena sa San Juan gayundin ang isa pang semis match-up sa pagitan ng defending champion Harbour Centre at Sista.
Gumana ang maiinit na kamay ni Tan, isa sa mga beterano ng liga, sa pagkamada ng walong puntos kabilang ang tres sa 12-2 atake upang ilagay ang Roadkings sa 36-14 pangunguna.
Nayanig ng husto ang Whoppers na hindi na nakabangon sa larong inaasahang magiging dikitan, nang mabaon sila ng hanggang 23 puntos, 64-41 nang magbida naman si Cruz na kuma-mada ng pitong sunod na puntos para sa kanilang pinakamalaking kala-mangan.
Tumapos si Cruz ng 14 puntos katulad ni Floyd Dedicatoria habang bu-mawi naman si Joe De-vance sa kanyang masa-mang laro sa unang apat na games sa kanyang tinapos na double double na 10-puntos at 12 rebounds.
Palaban pa ang Burger King sa kaagahan ng laro sa tulong ni JR Quiñahan na kumamada ng walo sa kanyang tinapos na 14 puntos sa unang quarter para sa 12-12 pagtatabla ng iskor ngunit hanggang dito na lamang ang oposisyong naibigay ng Whoppers.
Toyota 76 -- Dedicatoria 14, Cruz 14, Devance 10, Rodriguez 10, Tan 8, Daa 7, Cagoco 4, Cabahug 4, Guerrero 3, Coronel 2, Baluyot 0, Fajardo 0.
Burger King 50 -- Quiñahan 14, Buenafe 12, Bravo 10, Del Rosario 5, David 4, Viray 3, Saguindel 2, Te 0, Dizon 0, Mendoza 0, Ballesteros 0, Aquino 0, Garrido 0, Urbiztondo 0.
Quarterscores: 12-12; 36-19; 50-31; 76-31.
- Latest
- Trending