^

PSN Palaro

PCU ang pinalad sa No. 2

-
Hanggang sa huli ay lumaban ang nagdedepensang Letran College.

Ngunit hindi pa rin ito sapat para talunin ang Philippine Christian University. 

Isang undergoal stab at dalawang freethrows ni Gabby Espinas sa krusyal na bahagi ng laro ang nag-akay sa Dolphins sa 67-62 panalo kontra sa Knights para angkinin ang No. 2 seat at ang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four sa kanilang knockout match kahapon sa 82nd NCAA men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum. 

Sa pag-upo ng PCU sa No. 2 slot makakalaban nito ang No. 3 Letran at sasagupain naman ng No. 1 San Beda ang No. 4 na Mapua sa Final Four na hahataw sa Miyerkules sa Big Dome. 

"Siguro mas maraming sleepless nights kasi Wednesday pa ‘yung start ng Final Four," ani coach Joel Dualan. "Pero masaya kami ngayon at ‘yon ang isecelebrate namin right now."

 Ipinoste ng Dolphins ang malaking 20-point lead, 52-32, sa huling 27.9 segundo sa third period mula sa dalawang charities ni Derryl Santos hanggang makadikit ang Knights sa 48-52 buhat sa inihulog na 14-0 bomba sa 5:53 ng fourth quarter. 

Sa likod ni Jason Castro, muling inilayo ng PCU ang laro sa 59-49 sa 4:06 nito bago nakalapit muli ang Letran, nasa kanilang four-game losing skid ngayon, sa 62-63 sa natitirang 38.8 segundo mula sa ikaapat na 3-pointer ni Mark Balneg. 

At ang sumunod na eksena ay ang pamamayani na ni Espinas, humugot ng 19 puntos, 9 boards, 4 assists, 2 shotblock at 1 steal para sa Dolphins kasunod ang 16 marka ni Castro, 13 ni Ian Garrido at 10 ni Santos. 

Sa cheerdance competition, nakopo ng University of Perpetual Help Dalta ang kanilang ikalawang sunod na korona matapos umangat sa Letran at Mapua.

 Nagtumpok ang UPHD Pep Squad ng kabuuang 92.76 puntos para ibulsa ang top prize P70,000 kasunod ang 87.6 ng CSJL Pep Squad (P40,000) at 86.76 ng Mapua Chirping Cardinals (P20,000). (RCadayona)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

DERRYL SANTOS

FINAL FOUR

GABBY ESPINAS

IAN GARRIDO

JASON CASTRO

LETRAN

PEP SQUAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with