^

PSN Palaro

Ateneo solo lider; FEU silat sa UST

- Carmela Ochoa -
Nakopo ng Ateneo De Manila University ang solong pamumuno ma-tapos nilang igupo ang Adamson University, 73-72 sa pagpapatuloy ng UAAP men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium kaha-pon.

Ikinonekta ni Chris Tiu ang isang triple sa nalala-bing 20.6 segundo ng final canto at naipreserba nila ang kalamangan nang pigilan ng Ateneo ang pagtatangka ni Kenneth Bono sa huling posesyon ng Adamson tungo sa kanilang tagumpay.

Sumulong sa ikatlong sunod na panalo ang ADMU Blue Eagles na siya na ngayong nagso-solo sa liderato matapos iwanan ang walang larong University of the East na may 2-0 kartada.

Sa unang laro, pina-sadsad naman ng Univer-sity of Santo Tomas ang defending champion Far Eastern University sa 90-87 na nagbaon sa Tama-raws sa kulelat na posis-yon.

Nakabawi ang Tigers sa kanilang pagkatalo sa kanilang debut game upang umangat sa 1-1 record katabla ang pahi-ngang University of the Philippines, habang bu-magsak naman ang Adamson sa 1-2 kartada at nabaon ang FEU Tamaraws sa 0-2 kartada.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

CHRIS TIU

FAR EASTERN UNIVERSITY

KENNETH BONO

NINOY AQUINO STADIUM

SANTO TOMAS

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with