^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Bagyo-bagyo si Baguion

-
Isa na namang kabayanihan ang ipinamalas ni Froilan Baguion na muling naghatid ng game-winning shot upang isalba ang Montaña Pawnshop laban sa Toyota Otis-Letran, 74-72 sa pag-usad ng PBL Unity Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Kumana ang 5-foot-6 na si Baguion ng isang lay-up sa huling 9.1 se-gundo ng labanan upang makakawala ang Jewels sa 72-pagtatabla ng iskor tungo sa kanilang ikalimang sunod na panalo upang higit na magningning sa pangkalahatang pamumuno.

Si Baguion na siya ring kumana ng game-winning basket sa 88-86 overtime win laban sa Welcoat, ay tumapos lamang ng siyam na puntos ngunit kinumplimentuhan ng kanyang krusyal na basket ang 20-puntos, 10-rebounds at dalawang assists ni Jondan Salvador na bumandera sa koponan.

"It’s all heart even though all the odds are against us. My players never gave up. It’s our fighting spirit that brought us here," wika coach Robert Sison matapos mapanatili ng Montaña ang malinis na katayuan.

Bumangon mula sa siyam na puntos na pagkakahuli, kumana ng tig-isang tres sina Eric dela Cuesta at Alex Compton sa 12-3 run upang itabla ang iskor sa 72-all, 38.4 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

May pagkakataon ang Letran Knights na kunin ang liderato, ngunit nagmintis si Emerson Oreta sa kanyang dalawang freethrows at nagkaroon ng tsansa ang Montaña na angkinin ang panalo nang isagawa ni Baguion ang kanyang kabayanihan.

Sa kaagahan ng ikaapat na quarter, nagbida sina Oreta, Mark Macapagal at JP Alcaraz sa 14-7 produksiyon upang kunin ang 69-60 bentahe, 3:49 minuto sa ikaapat na quarter. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ALEX COMPTON

BAGUION

CARMELA V

EMERSON ORETA

FROILAN BAGUION

JONDAN SALVADOR

LETRAN KNIGHTS

MAKATI COLISEUM

MARK MACAPAGAL

MONTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with