^

PSN Palaro

Solo liderato asam ng Beermen vs Shell

-
Sisikaping masundan ni import Wesley Wilson ang kanyang nakaraang impresibong performance upang isulong ang Shell Velocity na sasagupa sa San Miguel Beer na nais na muling masolo ang liderato sa PBA Gran Matador Fiesta Confe-rence.

Matapos manaig sa scoring spree ng laban sa bagong saltang si Bakari Hendrix sa kanyang debut game sa Coca-Cola kamakalawa para sa 109-96 panalo ng Turbo Chargers, makakatapat naman ngayon ni Wilson ang bigating import ng San Miguel na si Chris Burgess sa alas-4:45 ng hapong laro.

Sa pinakamagandang performance na ipina-malas ni Wilson sa PBA kung saan hawak niya ang conference best na 34.4 scoring average at 17.4 rebounds, nagtala ito ng 46-puntos at 16 rebounds sa nakaraang panalo ng Turbo Chargers.

Bagamat nagpasiklab si Hendrix na pumalit kay Jaja Richards, sa pagta-tala ng 43-puntos at 13 rebounds, nalasap ng Tigers ang ikaapat na sunod na talo sa limang laro dahil sa kakulangan ng suporta sa mga locals.

Dito nakakalamang si Wilson at umaasa si coach Leo Austria na mamimintina ng kanyang import ang intensidad ng kanyang laro dulot na rin nang pangambang ma-papalitan ito dahil sa presensiya ng standby import na si Jamal Wat-kins, at patuloy na pagsu-porta ng mga locals.

Taglay ng Turbo Chargers ang 3-2 win-loss record sa likod ng 4-1 panalo-talo ng Beermen na pinantayan ng Pure-foods matapos ang 92-87 panalo sa Ginebra para makisalo sa liderato.

Sa ikalawang laro, magsasagupa naman ang Red Bull at ang Sta. Lucia Realty na magpa-parada ng kanilang bagong import na si Kevin Freeman sa alas-7:35 ng gabing sagupaan.

Umaasa ang Realtors na higit na mas malaki ang maitutulong ni Free-man, naging import ng nagdisbandang Tanduay Gold Rhum noong 2001, kapalit ni Raheim Brown, para makaahon sa pag-kakasadlak sa 1-4 karta na kulelat sa kasaluku-yan.

Makakatapat nito si Dalron Johnson ng Bara-kos na nag-iingat naman ng 2-2 kartada.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text (2-1) at Alaska (1-3) sa Cagayan De Oro City. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

BAKARI HENDRIX

CAGAYAN DE ORO CITY

CHRIS BURGESS

DALRON JOHNSON

GRAN MATADOR FIESTA CONFE

JAJA RICHARDS

JAMAL WAT

KEVIN FREEMAN

LEO AUSTRIA

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with