^

Hong Kong title tinumbok ni Valle

() - March 8, 2005 - 12:00am
Ang kapakanan ng pamilya ang pangunahing nasa isipan ni Gandy Valle habang tinutumbok ang final shot at eksaktong pumasok ang 9th ball sa corner pocket para sa panalo.

Nasa unang pakikipaglaban sa Tour, nalusutan ni Valle ang 16 anyos na si Wu Chia Ching ng Chinese-Taipei, 11-9 at makopo ang unang yugto ng 2005 San Miguel Asian 9-Ball Tour noong Linggo ng gabi sa Suntec Exhibition Hall sa Singapore.

Mula sa 4-6 deficit, bumalikwas si Valle upang ibangon ang pa-ngalan ng mga Pinoy makaraang tuhugin ang pito sa huling siyam na racks at premyong $10,-000 (P540,000).

Ngunit sa likuran ng eksaktong shotmaking at mahusay na kalkulasyon, nasa isipan ni Valle ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Ralph Lauren at asawang si Roselle.

"This is for my family ," ani Valle matapos ipasok ang 9th ball sa right corner sa pocket sa 20th frame sa harap ng nagbubunying Pinoy na nanonood.

"Iniisip ko lagi sila (Ralph Lauren and Roselle) bago tumira," dagdag pa niya at nagsabi din na ang lahat sa kanyang kita ay ilalaan sa family savings.

Si Wu, na nakuntento na lamang sa runner-up prize na $5,000, ay nakawala sa mahigpit na sitwasyon at ipamigay ang kanyang break sa 17th nang walang pumasok na bola sa kanyang pag-sargo.

Dito sinamantala ni Valle ang lahat ng ipasok ang final ball gamit ang carom shot sa ikalawang marble at kunin ng Davaoeño ang kontrol patungo sa tagumpay.

" Nang makita ko ang oportunidad, siniguro ko na hindi masasayang ang aking tira lalo na sa huling tatlong sets," ani Valle na 9-ball doubles gold medalist noong 1998 Bangkok Asian Games.

Ang daan patungo sa tagumpay ay hindi naging madali para kay Valle na nakatuntong sa finals makaraang igupo si Yang Ching Shun, 11-8 sa semifinals at pinatalsik si Lee Van Corteza sa quarterfinals ng Tour na inorganisa ng ESPN-STAR Sports.

Ang susunod na biyahe ng Tour ay sa Jakarta, Kaoshiung at Manila kung saan ang top 10 players sa Tour Order of Merit ay kuwalipikado sa World 9-Ball Championship sa Taiwan.

BALL CHAMPIONSHIP BALL TOUR BANGKOK ASIAN GAMES GANDY VALLE LEE VAN CORTEZA PINOY RALPH LAUREN RALPH LAUREN AND ROSELLE SAN MIGUEL ASIAN VALLE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with