^

PSN Palaro

Paragua nakipag-draw sa Russian

-
Nakipaghatian ng puntos si Mark Paragua sa Russian IM na si Jakov Geller sa 11th round upang manatiling nasa itaas sa pagpapatuloy ng 2nd Alushta GM Tournament sa Alushta, Ukraine.

Dahil dito, kailangang mapuwersa ni Paragua na ma-sweep ang kan-yang susunod na tatlong laban upang maka-iskor ng hindi bababa sa 3.5 puntos sa kanyang huling apat na laban upang makumpleto ang kan-yang Grandmasters requirements.

Maaaring makuha ng 20-anyos na si Paragua ang kanyang third at final GM-norm sa pagtatapos ng 14th at penultimate round ng chessfest na ito kung saan makakaharap niya ang ikatlong GM sa field na si Veniamen Shtyrenkov ng Russia at kailangan niyang manalo rito upang makaipon ng 10.5 puntos.

Bukod sa pagkumpleto ng kanyang GM requirements, tangka ni Paragua na maging kauna-unahang Pinoy na nanalo ng dalawang sunod sa closed tournaments sa dating Soviet Union Republic.

vuukle comment

ALUSHTA

BUKOD

DAHIL

GRANDMASTERS

JAKOV GELLER

MAAARING

MARK PARAGUA

NAKIPAGHATIAN

PARAGUA

SOVIET UNION REPUBLIC

VENIAMEN SHTYRENKOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with