^

PSN Palaro

Tanamor lumapit sa Athens

-
KARACHI, PAKISTAN -- Sa harap ng higanteng TV screen na inilagay sa function room ng Hotel Merran dito, tutok na tutok sa panonood si Harry Tanamor sa laban ni Manny Pacquiao kontra kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas noong kaagahan ng Linggo.

At noong hapon ding ‘yun, mas maganda ang inilaban ni Tanamor kaysa sa kasalukuyang Pinoy ring idol.

Nagpamalas ang 25 anyos na ipinagmamalaking anak ng Zamboanga City ng impresibong panalo kontra kay Abdraimov Nurlan ng Kazakhstan upang lumapit sa pagkuha ng tiket sa Athens Olympics.

Umiskor ng Referee-Stopped-Contest Out-scored (RSCO-III) si Tanamor para sa natatanging Pinoy na umusad sa semifinals ng 3rd Asian Olympic qualifying boxing tournament (Green Hill Cup) matapos na yumuko si Genebert Basadre sa Malaysian boxer na si Adnan Yusoh, 24-15 sa kanilang 60 kg. quarterfinal bout noong Linggo sa KPT Sports Complex.

Mabilis sa kanyang kamao, binugbog ni Vietnam Southeast Asian Games gold medalist Tanamor ang matipunong Kazakh sa pamamagitan ng mga kombinasyon sa ulo at katawan ng matatalim na suntok.

Tinapos ng Pinoy ang kanyang impresibong performance sa 48 kg. nang pabagsakin niya si Nurlan sa pamamagitan ng solidong left straight para sa standing 8 count sa kalagitnaan ng ikatlong round.

Ilang segundo lang ang nagdaan tapos na ang laban.

"Isa na lang. Pipilitin po nating makuha," pangako ng soft spoken Zamboangueño.

Nakatakda ang pinakaimportanteng laban ni Tanamor kay Namajo-nov Otabek ng Uzbekistan sa Martes. Dinispatsa ni Otabek ang Mongolian boxer na si Zorigt Bator, 35-22 sa round-of-8.

Di tulad ni Tanamor, hindi naipakita ni Basadre ang kanyang dominasyon kontra kay Yusoh, SEA Games at Common-wealth Games gold medalist, nang mangapa ito sa unang dalawang round.

Ang batang taga-Cagayan de Oro ay nagpakita ng husay sa final two rounds ngunit mas mahusay pa rin ang kalaban sa pagtatapos ng match.

vuukle comment

ABDRAIMOV NURLAN

ADNAN YUSOH

ASIAN OLYMPIC

ATHENS OLYMPICS

GENEBERT BASADRE

GREEN HILL CUP

HARRY TANAMOR

HOTEL MERRAN

PINOY

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with