^

PSN Palaro

2 baguhang Pinoy boxers nagpakitang gilas

-
HO CHI MINH CITY--Sa likod ng matikas na performance ng dala-wang rookie internationalists, nakaseguro ang RP Team-Revicon ng hindi bababa sa dalawang bronze medals kahapon matapos ang opening bout ng Pre-SEA Games Boxing Championships sa Phan Dinh Phung Stadium dito.

Iniangat nina flyweight Glenn Gonzales at bantamweight Joan Tipon ang kampanya ng Filipinos matapos na magposte ng dalawang panalo na tumakip sa masaklap na pagkatalo ni lightwelter Mark Melligen sa five nation event na ito na ginaganap sa pusod ng malawak na Vietnam city na kilala rin bilang Saigon.

Ang 18-anyos na si Gonzales, mula sa North Cotabato ay nagtala ng kauna-unahang stoppage sa tournament na ito nang kanyang puwersahin si Vietnamese Nguyen Viet Linh na tumiklop ito may 1:15 ang nalalabi sa third round ng kanilang four-rounder bout. Angat ang Filipino sa puntos nang itigil ng referee ang kanilang laban.

Determinado si Gonzales na nasa kanyang unang international na biyahe na hindi pumigil sa kanyang momentum matapos ang limang minutong pagtigil ng laban upang palitan ang scoring machine ng lahat ng limang judges habang nakatayo ang dalawang fighters sa kani-kanilang corners.

Nagpamalas naman si Tipon, 21-gulang mula sa Talisay, Negros ng magandang hakbang nang kanyang kanain ang 20-8 panalo kontra sa Thai na si 2’s Kongdech Vaitam.

Sinimulan ni Tipon na atakehin ang kanyang kalaban sa second round bago nagsimula ng umiskor. Nagpasayaw-sayaw ito habang nagpapakawala ng right straights sa bukas na nangangapang Thai.

Ngunit ang tagumpay na ito ng RP pugs ay nalukuban ng lungkot nang ang 17-gulang na si Melligen na isa ring rookie internationalist ay nabigong makasabay sa opening round sa kalabang si Pongsak Hriathuan ng Thailand at nala-sap ang 6-7 pagkatalo.

vuukle comment

GAMES BOXING CHAMPIONSHIPS

GLENN GONZALES

GONZALES

JOAN TIPON

KONGDECH VAITAM

MARK MELLIGEN

NORTH COTABATO

PHAN DINH PHUNG STADIUM

PONGSAK HRIATHUAN

TIPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with