^

PSN Palaro

Eleksyon ng cycling nakatuon kay Lina

-
Handang-handa na ang gaganaping botohan para sa national asso-ciation of cycling bukas (Sept. 14) sa Amoranto Velodrome sa Quezon City at ang lahat ng mata ay nakatuon sa Team Bert Lina na mayroong inilantad na programa na nakasentro naman sa kauna-unahang Olympic cycling medal ng bansa sa 2008.

"It could come in the road (events) or in mountain bike," ani Lina, chairman ng Air21 na siyang sumusuporta sa pagbabalik ng sikat na Tour Pilipinas, hinggil sa nasabing medalya kung saan siya at ang kanyang team ay umaasa na maibubulsa ito sa 2008 Beijing Olympics.

Ang sinasabing medalya ay posibleng tanso, ayon kay Lina, ngunit dahil sa development sa Europe at US at maging sa ilang bahagi ng Asia na naging extensively scientific at gagastusan, maaaring makopo ang ikatlong puwesto sa Olympics.

Ang pinaka-goal ng Lina’s Team ay ang hangarin nilang madomina ang cycling sa pagho-host ng bansa sa 23rd Southeast Asian Games sa 2005 at ang posibleng gintong medalya o higit pa sa 2006 Doha (Qatar) Asian Games.

AMORANTO VELODROME

ASIAN GAMES

BEIJING OLYMPICS

DOHA

HANDANG

LINA

QUEZON CITY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM BERT LINA

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with