^

PSN Palaro

Cimafranca umusad sa finals

-
CEBU - Sinilat ni Jordan Cimafranca ng Tubod, Lanao del Norte ang top seed na si Oswaldo Dumoran, 7-5, 2-6, 7-5 at pagkatapos ay pinabagsak si Jeedre Tan upang makausad sa finals ng boys’ 16-under division ng Adidas Tennis Challenge 2002 dito sa San-case Tennis Club.

Makakalaban ni Cima-franca ang teammate na si Wilbur Orillano na nanalo laban sa no. 2 pick na si Janjie Soquino, 7-6, 7-5 sa Adidas netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Milo at Sports Kids.

Umiskor si Jun Montalbo ng Maasin, Leyte ng 7-6, 6-2 panalo kontra sa Manila-based at no. 1 pick na si Mark Balce sa boys’ 14-under category at makakaharap nito si Daniel Macalino para sa titulo.

Ang iba pang finalists ay sina Poochi Macalino laban kay Amil Aya-ay sa unisex 10-under, Balce at Julius Lagman sa boys’ 12-under class; Janjie at nakakatandang kapatid na si Carlo sa junior men’s 21-under bracket, Macy Solon at Sally Dine Siso sa girls’ 12-under; Floreza Alesna at Jin Querubin sa girls’ 14-under.

ADIDAS TENNIS CHALLENGE

AMIL AYA

DANIEL MACALINO

FLOREZA ALESNA

JANJIE SOQUINO

JEEDRE TAN

JIN QUERUBIN

JORDAN CIMAFRANCA

JULIUS LAGMAN

JUN MONTALBO

MACY SOLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with