^

PSN Palaro

Pinoy keglers,second overall

-
HONG KONG--Nabigo ang Filipino keglers na maiuwi ang inaasam na gintong medalya sa men’s at women’s masters sa pagtiklop ng 17th Asian Tenpin Bowling Championships na ginaganap sa SCAA Bowling Center dito kahapon.

Ginawa ni Liza Clutario ang kanyang makakaya upang maging maganda ang pagtatapos ng bansa, subalit kinapos siyang makausad sa championship round ng women’s master ng dalawang pins lamang sa kalabang Australyanang si Kate Wilson na umiskor ng 3320-3318 at makuntento lamang sa ikatlo at huling slot sa stepladder finals.

Nauwi sa wala ang pagsisikap ni Liza del Rosario, isa sa dalawang gold medalists sa isang linggong tournament na ito na nilahukan ng mahuhusay na bowlers mula sa 22 Asian countries nang tumapos lamang ng ikaanim na puwesto sa kanyang nalikom na 3275 pinfalls, habang umiskor naman si Ces Yap na may 3253 total.

Tumapos naman ang tambalang Biboy Rivera (3231) at CJ Suarez (3187) ng ika-12th at 13th puwesto, ayon sa pagkakasunod sa men’s masters.

Pero dahil sa tatlong ginto--dalawa mula kay del Rosario at isa sa duo nina Rivera at Chester King, isang silver at dalawang bronze medals, sapat na ito upang ang RP team ay pumosisyon ng ikalawang puwesto sa likod ng Korea sa final standings at ang kanilang performance ang isa sa aasahan ng bansa na makapag-uuwi ng medalyang ginto sa Asian Games sa Busan, South Korea.

"This is a nice prelude to the Asian Games, something to really look forward to," ani RP team coach Johnson Cheng sa isang local newspaper dito."I don’t know when was the last time the Philippines won a gold in the Asiad. I can’t even remember."

Si del Rosario ay nagwagi sa women’s single at all events, habang kinana naman nina Rivera at King ang men’s double. Ibinigay ni Rivera sa bansa ang silver medal sa men’s all events, habang dalawang bronze medals ang nagmula kina Clutario, Yap, Irene Garcia-Benitez, team captain Jojo Canare at Kathlynn Ann Lopez.

Ang Korea ang siyang nanalo ng overall championship sa naipong li-mang ginto, kabilang ang 1-2 finish nina Kim Suk-yung at Cha Mijung sa women’s master. Gaya ni del Rosario, ito rin ang ikalawang ginto ni Kim matapos ang kanyang pamamayani sa women’s trio.

Si Zhang Ye ang nanalo sa men’s masters kontra Korea’s Kim Jae-hoon upang ibigay sa China ang kanilang natatanging ginto sa meet na ito.

vuukle comment

ANG KOREA

ASIAN GAMES

ASIAN TENPIN BOWLING CHAMPIONSHIPS

BIBOY RIVERA

BOWLING CENTER

CES YAP

CHA MIJUNG

CHESTER KING

IRENE GARCIA-BENITEZ

RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with