^

PSN Palaro

Billiards at jai-alai pinagsama

- Dina Marie Villena -
May napanood akong billiard games sa IBC-13 at ito ay isang laro kung saan ang 10 cue artists ay maglalaro at kailangang pumuntos ng 9 points para manalo. Istilo ng jai-alai games ang nilalaro kung saan naglalakihang numero ang nasa likuran ng bawat players. Dito napanood ko sina Lee Van Corteza at Romeo Villanueva na pawang miyembro ng National team at medalist sa SEA Games.

Maraming nagsasabi na ginagamit lang daw itong billiards para sa isang klase ng sugal na tulad ng jai-alai kung saan sa sampung players pipili ng tatlong numero na lalabas.

May basbas kaya ang paglalarong ito nina Corteza at Villanueva sa billiards association ng bansa kasi parang hindi daw mga national players at gold medalists ang klase ng laro nina Corteza at Villanueva.

Marami tuloy ang nagsasabing baka bumaba ang rate at performance ng dalawa sa mga susunod nilang lalahukang international event.

Ano sa palagay n’yo?
* * *
Tumatanggap na ngayon para sa ikatlong batch ng BLSS Camp Aqua sa Century Park Hotel simula ngayong Abril 30 hanggang Mayo 14.

Maaring kayong pumunta sa Century Park Hotel o tumawag sa 528-8888 at makipag-ugnayan kay Michelle Buluran ang venue coordinator ng Bert Lozada Swim School Camp Aqua.

Nais ko nga palang pasalamatan si Angelo Lozada sa pag-accommodate sa aking dalawang anak. Natutuwa ako at natuto sila agad within 12 days sa pamamahala ni head instructor Rommel Achuela at ng kanyang mga bataan na sina Gendida Arguelles, Mondesa Dequilla, Emmanuel Garcia at Eugene Santiago ang bumubuo sa Century Park Hotel team.

So ano pang hinihintay n’yo go na kayo sa mga sumusunod na venue para i-enroll ang inyong mga anak: Philippine Columbian, Ciria Cruz Sports Plaza sa Pandacan, Fisherman’s Wharf sa may Luneta,St. Stephen School, Makati Sports Club, Oakwood Premier Centre, The Spa sa Makati, Casa Montessori sa Forbes Park, Grace Swimming Center, Hotel Contemporary, Clubhouse Casa Milan, sa Quezon City, Club Manila East sa Taytay, Grandma’s Hotel sa Tarlac, 8 Waves Waterpark sa Bulacan, Bacolod Convention Plaza at Las Palmas sa Bacolod City, Ayala Alabang Country Club, Alabang 400 Sports Club, LE-SIL Montessori sa Sucat, Southbay sa Sucat, Elizabeth Seton School sa Las Piñas at Cavite, at Riverview Hotel sa Calamba.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa 563-5532 o 5644648.

vuukle comment

ANGELO LOZADA

AYALA ALABANG COUNTRY CLUB

BACOLOD CITY

BACOLOD CONVENTION PLAZA

BERT LOZADA SWIM SCHOOL CAMP AQUA

CAMP AQUA

CASA MONTESSORI

CENTURY PARK HOTEL

CIRIA CRUZ SPORTS PLAZA

CLUB MANILA EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with