^

SMB-PBA Press Photographers Club 9-Ball Billiards Challenge

() - March 22, 2002 - 12:00am
Ang lahat ay handa na para sa gaganaping 1st San Miguel Beer-PBA Press Photographers Club 9-Ball Billiards Challenge na magsisimula ngayon sa Marlon’s Billiard sa Timog Avenue, Quezon City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga Press Photographers ay maglalaban-laban sa event na ito na kanila ring kino-cover.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan nina Manila Bulletin’s Paulo Vecina at Ali Vicoy; Philippine Star’s Joven Cagande, Jun Mendoza at Joey Mendoza; Philippine Daily Inquirer’s Romy Homillada; Manila Standard’s Arman Clemente at Lino Santos; Malaya’s Manolet Santiago, Oca Estabaya at Philip Duquiatan; Bulgar’s Cesar Panti at Muriel Leanillo; Remate’s Jeff Venancio, Tempo’s Ramon Samson; Text Tonight’s Freddie Manalac at Tony Ang at iba pa.

Ang event na ito ay suportado ng San Miguel Beer at AGFA VISTA ang opisyal na film. Ang iba pang sponsors ay kinabibilangan ng Marlon’s Billiards at Selecta.

Ang top 5 winners ang siyang magku-qualify upang sumabak sa star studded 9-Ball Billiards Challenge kontra sa PBA Best Community sa susunod na buwan.

ALI VICOY ARMAN CLEMENTE BALL BILLIARDS CHALLENGE BEST COMMUNITY CESAR PANTI FREDDIE MANALAC JEFF VENANCIO JOEY MENDOZA JOVEN CAGANDE SAN MIGUEL BEER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with