^

PSN Palaro

Montana sinorpresa ng Osaka sa PBL Chairman's Cup

-
Bagamat talsik na sa kontensiyon, nagpamalas ng impresibong laro ang Osaka Iridologists upang ilista ang kanilang kauna-unahang panalo sa 2001 PBL Chairman’s Cup matapos ang 64-53 pa-mamayani kontra sa Montana Pawnshop kahapon sa Makati Coliseum.

Nagsanib ng lakas sina Rommel Daep at Willy Wilson sa ikaapat na quarter nang kumawala ang Iridologists upang tapusin ang kanilang 9-game losing streak at makapasok sa win column ng Group B sa quarterfinal round na ito.

Ang 47-42 kalamangan ng Osaka sa pagtatapos ng ikatlong quarter ay lumawig sa 12 puntos nang pamunuan nina Daep at Wilson ang mainit na 11-4 run upang iposte ang pinakamalaking kala-mangan na 12 puntos, 58-46.

Hindi nakaapekto sa Iridologists ang pagka-wala nina Gilbert Omolon at Jessie Cabanayan na parehong na-injured matapos magkaumpugan. Pumutok ang kilay ni Cabanayan habang nagdugo naman ang ilong ni Omolon kaya’t isinugod ito sa ospital.

Hindi na nakaporma pa ang Jewelers na siyang dahilan ng kanilang ikawalong kabiguan matapos ang 11 pakikipaglaban at tulad ng Osaka ay talsik na rin ito sa kontensiyon.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay kasalukuyang naglalaban ang Hapee Toothpaste at Ateneo-Pioneer Insurance. Tanging ang Teeth Sparklers na lamang ang may pag-asang makapasok sa semifinal round kung saan nakakasiguro na ang Shark Specialist.

Tumapos si Wilson ng 13 puntos kabilang ang kanyang impresibong 7-of-8 free throw shooting bukod pa sa kanyang 6 rebounds at 2 assists kaya’t ito’y napiling Best Player of the Game ha-bang nagtala naman si Daep ng 17 puntos.

Osaka 64--Daep 17, Magsumbol 14, Wilson 13, Cuan 10, Neil 5, Omolon 3, Cabanayan 2, Uy 0.

Montana 53--Dima-unahan 19, Gottenbos 10, Zamora 8, Torrente 7, Lim 5, Lao 2, David 2.

vuukle comment

ATENEO-PIONEER INSURANCE

BEST PLAYER OF THE GAME

CABANAYAN

DAEP

GILBERT OMOLON

GROUP B

HAPEE TOOTHPASTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with