^

PSN Palaro

Dyip nilasing ng Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dyip nilasing ng Beermen
Ang reverse layup ni San Miguel import George King kontra kina JM Bravo at Aljon Mariano ng Terrafirma.

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula lamang ng second period nakalayo ang sibak nang Terrafirma bago tuluyang kumulapso sa halftime.

Nilasing ng quarterfina­list San Miguel Beermen ang Dyip, 135-105, para makabalik sa pamatay na porma sa Season 50 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate Manila.

Humakot si import George King ng 44 points kasama ang apat na four-point shots at tatlong three-pointers para sa 8-3 record ng San Miguel na nagmula sa 98-116 kabiguan sa TNT Tropang 5G.

Nagdagdag si nine-time MVP June Mar Fajardo ng 25 markers at 12 rebounds, habang may 22 at 13 points sina CJ Perez at Don Trollano, ayon sa pagkakasunod.

“During our huddle I’m trying to remind them that this game is really important for us. We want to bounce back from our loss last game,” ani coach Leo Austria. “This game is really important for us to maintain our position in the top two.”

Bagsak ang Terrafirma sa 4-7 marka at bigong maduplika ang naunang 146-127 pagbugbog sa talsik nang guest team Macau.

Muling tinalo ng Beermen ang Dyip, nakahugot kay import Justin Strings ng 28 points, matapos ang 109-104 paglusot sa una nilang pagkikita.

Nagtuwang sina Ma­verick Ahanmisi at Ajhon Mariano para ibigay sa Terrafirma ang 33-28 bentahe sa pagbubukas ng second quarter.

Bumangon ang San Miguel at inagaw ang 47-39 kalamangan bago isinara ang first half tangay ang 64-47 abante tampok ang apat na free throws ni King mula sa foul ni Juami Tiongson bago tumunog ang buzzer.

Sa pangunguna ng 35-anyos na si Ahanmisi ay napababa ito ng Dyip sa 66-56 sa pagsilip ng third period.

Ngunit ang isang 20-6 atake, tampok ang dalawang sunod na 4-pointer at isang triple ni King, ang mu­ling naglayo sa Beermen sa 86-62 sa 5:49 minuto ng yugto.

Tuluyan nang ipinoste ng SMB ang 118-80 kalamangan mula sa slam dunk ni King sa 8:31 minuto ng final canto.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with