^

PSN Palaro

Semis target ng Shark sa PBL Chairman's Cup

-
Dalawang bagay ang aasintahin ngayon na maipinta ng Shark Energy Drink sa kanilang nakatakdang pakikipagsagupa kontra sa sister-team GIV Soap sa pagsisimula ng quarterfinal round ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Tangka ng tropa ni coach Leo Austria na makamit ang bagong record na siyam na sunod na panalo at iseguro ang Power Boosters sa unang semifinals slot sa kanilang nakatakdang alas-5:30 ng hapong upakan ng Soap Masters.

Sa iba pang laro, sisikapin naman ng PharmaQuick na mapanatiling hawak ang kanilang kalamangan sa Group B sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa Hapee Toothpaste sa alas-3:30 ng hapon.

Habang magbabalik naman ang aksiyon sa 1st Cristal Spring PYBL Title Cup kung saan unang maghaharap ang National U at ang University of Assumption sa alas-9 ng umaga.

Ito ay susundan ng upakan sa pagitan ng UP-Waterfront at Gringo-Konica sa alas-12:30 ng tanghali at sa dakong alas-10:45 magsasagupa naman ang Whiz Super Oil at Spring Cooking Oil.

vuukle comment

CRISTAL SPRING

GROUP B

HAPEE TOOTHPASTE

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

NATIONAL U

POWER BOOSTERS

SOAP MASTERS

SPRING COOKING OIL

TITLE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with