^

PSN Palaro

PBL National Team mabubuo na

-
Inaasahang mabubuo na ang bagong RP team coach na si Junel Baculi ang kanyang final line-up para sa nalalapit na Southeast Asian Basketball Association championship sa susunod na linggo.

Ayon kay Baculi, masyado pang maaga para mapagdesisyunan ang komposisyon ng national team at kinakailangan pa niyang kumunsulta sa kanyang mga assistant coaches na sina Leo Austria at Leo Isaac.

"Hindi pa namin mapapa-finalize ang line-up for now since we are yet in the organizational stage. Siguro in a week’s time. I still have to confirm with both Leo Austria and Leo Isaac" ani Baculi pagkatapos ng ensayo sa PhilSports Arena kahapon.

Maliban kay Yancy de Ocampo, sumipot ang 18 players na napili para magsanay sa national team sa ikalawang araw ng paghahanda para sa 2001 SEABA men’s championship na nakatakda sa Abril 2-9 dito sa Manila.

Matapos ang ‘getting-to-know-each-other’ session sa unang araw, sinimulan na ng RP national pool ang masusing training para sa offensive and defensive drills.

Samantala, pinalakas naman ng GIV Soap, da-ting Blu Sun Power ang kanilang koponan para sa kanilang kampanya sa 2001 PBL Chairman’s Cup na magsisimula sa Marso 24 sa Makati Coliseum.

Kinuha ni Soap Masters coach Nat Canson sina ex-pro Joseph Gumatay at JRC stalwart Ernani Epondulan upang palakasin ang backcourt kasama sina Egay Billiones at Marlon Kalaw.

Ang iba pang bagong recruits ay sina Tristan Codamon, 6’5 Domino Peña at 6’3 PMI swingman Jeffrey Quiambao.

"Gumatay is probably the missing link. Kailangan namin ng isang point guard na siyang magdadala sa team and with his entry, mas lumakas ang backcourt namin," ani GIV coach Nat Canson.

Ang pagbabago ng pangalan ay inaasahan din nilang magbibigay ng suwerte at ito ang nais ng Dioceldo Sy-owned franchise na mangyari.

vuukle comment

BLU SUN POWER

DIOCELDO SY

DOMINO PE

EGAY BILLIONES

ERNANI EPONDULAN

JEFFREY QUIAMBAO

JOSEPH GUMATAY

JUNEL BACULI

LEO AUSTRIA

NAT CANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with