^

PSN Palaro

Boysen-MLQU nasa semis na

-
Nagpakatatag sa huling maiinit na bahagi ng overtime ang Boysen-MLQU upang daigin ang Maynila, 69-66 at maokupahan ang unang semifinals slot sa 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum kahapon.

Humakot si Edelito Saygo ng 20 puntos, kabilang ang anim sa overtime period upang iposte ng Paint Experts ang kanilang ikaapat na sunod na panalo at sibakin ang Maynila sa kontensiyon bunga ng kanilang 1-3 win-loss slate.

Nagsalpak si Jay-Arr Estrada ng jumper at split upang itabla ang iskor sa 53-all, habang isang layup ni Marvin Castañeda ang naghatid sa Maynila sa 55-53 kalamangan, patungong 1:04 ang nalalabi sa regulation.

Naglunsad sina Saygo, Jun Lana at Rodel Mallari ng 11-3 bomba sa extra period upang maagaw ng Paint Experts ang kalamangan sa 66-58, 36 segundo na lamang ang nalalabi.

Sa iba pang laro, naitakas rin ng Mr. Wash-FEU ang 72-61 panalo kontra sa Crystal Spring-Las Piñas.

vuukle comment

CRYSTAL SPRING-LAS PI

EDELITO SAYGO

JAY-ARR ESTRADA

JUN LANA

MAKATI COLISEUM

MARVIN CASTA

MAYNILA

MR. WASH

PAINT EXPERTS

PHILIPPINE YOUTH BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with