^

PSN Palaro

Reyes vs Strickland sa finals

-
Kapwa pinayukod nina Efren "Bata" Reyes at Earl " The Pearl" Strickland ang kani-kanilang kalaban sa semifinals kahapon upang makausad sa finals ng US-RP 9-ball Challenge na ginaganap sa Metropolis Mall sa Alabang, Muntinlupa.

Inilabas lahat ni Reyes ang kanyang abilidad at maagang inilatag ang kalamangan, bagamat bahagya itong nangapa bago tuluyang igupo ang Amerikanong si Johnny Archer, 13-9, habang kinailangan ring mangapa at maghabol ni Strickland bago niya naidispatsa si Francisco "Django" Busta-mante, 13-9 at itakda ang muli nilang rematch.

At sa kanilang unang laban, makikitang namrublema si Strickland sa kanyang mga tira sanhi ng malamig na klima ng panahon, pero nagawa pa rin ng Amerikano na igupo si Reyes, 11-7 bunga ng kanyang malalakas na breaks.

Nakatakda sanang harapin nina Strickland at Reyes ang kani-kanilang kababayan sa race-to-13 semis, subalit nagkaroon ng pagbabago ng pairings na inimplementa sa paggamit ng mga bilang ng racks na natalo sa halip na bilang ng mga racks na nanalo at natalo na siyang naglagay kay Strickalnd sa pamumuno at pumangalawa lamang si Reyes, sumunod si Bustamante sa pangatlong posisyon.

"There was a change but I like what happened and I’m eagerly looking forward in playing Efren a new," wika ni Strickland na inamin nito na siya ay nagulat rin sa pagbabago ng rules.

Makaraang kunin ni Archer ang unang racks, nanalasa si Reyes sa sumunod na lima, bago isinunod ang anim sa walo para sa kanyang 11-3 kalamangan, dito siya nagsimulang mangapa kung saan nagawang mag-rally ni Archer nang kumana ng anim sa sumunod na pitong racks para sa 9-12.

Ngunit sinamantala ni Reyes ang breaks sa 22nd game tungo sa kanyang panalo at itakda ang race-to-13 finals kontra Strickland na ang mananalo ay mag-uuwi ng $20,000, habang ang talunan ay mayroong $10,000. Kasalukuyang nilalaro ang finals habang sinusulat ito.

ALABANG

AMERIKANO

EFREN

JOHNNY ARCHER

METROPOLIS MALL

REYES

STRICKLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with