PRO1, target ang ilegal na pagawaan ng paputok!
ALLERGIC na si PRO1 director Brig. Gen. Crisaleo Tolentino sa firecracker fire!
Ito ay matapos magkasunog sa illegal firecracker factory sa Malasigui, Pangasinan kung saan lima katao ang nasawi. Ayaw na ni Tolentino na maulit ito.
Kaya’t walang pag-aatubili na iniutos ni Tolentino ang malawakang crackdown vs illegal firecracker manufacturing sa buong rehiyon, at tamaan na ang dapat tamaan. Hindi lang ‘yan!
Nais din ni Tolentino na ang kanyang provincial directors ay magsagawa ng mahigpit na inspeksiyon sa lahat ng negosyo na sangkot sa firecrackers. Sal-it!
“The safety of our communities is our utmost priority. We will intensify our efforts to detect illegal firecracker manufacturing and ensure that all establishments engaged in this business strictly comply with existing laws and safety regulations,” ani Tolentino.
“We must prevent another tragedy and hold accountable those who put lives at risk through illegal activities,” ang pagbabanta ni Tolentino. Dipugaaaaa!
Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nawindang si Tolentino dahil sa pagkasunog ng gusali sa Bgy. Tabo-Sili noong November 4 kung saan lima katao ang nasawi. Sanamagan! Isa dito ay nailigtas ng ating hero cop na taga-PNP Anti-Kidnapping Group, subalit sa kasamaan palad ay hindi na inabot ng ospital na buhay. Sal-it!
Naapula ang sunog sa magkasamang pagresponde ng Malasigui Police Station, at Bureau of Fire Protection at doon na natuklasan ang apat pang bangkay.
Sa paunang imbestigasyon ng Urdaneta City Forensic Unit, nakumpiska sa fire scene ang mga firecrqacker materials, kasama na ang Baby Rocket na paputok, raw materials, at humigit-kumulang na 300 piraso ng Kuwitis.
Kasama sa natuklasan ay na walang kaukulang papeles ang may-ari ng gusali para suportahan ang paggawa ng paputok sa lugar. Dipugaaaaa!
Sa mga sangkot sa illegal manufacture ng firecrackers, humanda na kayo dahil ang mga pulis ay tinatarget na kayo saang sulok man kayo ng rehiyon nagtatago. Purbidang yawaahhhhh! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Mga kosa, kapag may illegal firecrackers hub sa inyong lugar ‘wag magdalawang-isip na ireport kaagad sa malapit na police station, upang maiwasan ang aksidente sa Christmas, na ilang tulog na lang. Abangan!
- Latest















