PCSO, pinuri ng World Lottery Association!
PCSO umani ng papuri!
Mismong si Andreas Kotter, ang presidente ng World Lottery Association ang nagsasabing ang PCSO ay isang outstanding na ehemplo sa responsible gaming at sa pagkalap ng pondo para sa magagandang proyekto para sa mahihirap at may sakit.
Si Kotter ay nasa Sydney, Australia upang umattend ng World Lottery Summit (WLS) 2026 at doon n’ya binigkas ang kagandahang ipinapakita ng Philippine lotteries sa pagkalap ng pondo upang suportahan ang humanitarian causes o social responsibility. Get’s n’yo mga kosa?
“First of all, the Philippine lotteries are a perfect example of doing good, raising money for good causes, and having a profile as a lottery which is outstanding,” ayon kay Kötter. Abayyyyy galing pa sa dayuhan ‘yan ha, mga kosa?
Siyempre, natuwa si PCSO General Manager Melquiades Robles sa tinaggap na papuri ng ahensiya, sabay sabing tuluy-tuloy lang ang lottery operations upang pagsilbihan ang maramihang nangangailangan ng tulong na mga Pinoy.
“For PCSO, the true measure of success is not simply how much revenue we generate, but how many Filipinos we are able to help,” ang saad ni Robles, na nahirang bilang Vice Chairman ng Asia Pacific Lottery Association (APLA) nitong September 2026. Purbidang yawaahhhhh! Ganun na nga!
“Every peso that goes toward our charitable programs represents an opportunity to provide medical assistance, support communities, and make a meaningful difference in people’s lives,” ang pahayag pa ni Robles. Anong sey n’yo mga kosa?
Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang pagkilala ng WLA president ay lalong nagpalakas sa PCSO upang mangalap pa ng malaking pondo para sa medical assistance, healthcare programs, at iba pang kawanggawa na ang makikinabang ay ang mga Pinoy.
Sa pamamagitan ng lottery operations, ang PCSO ay nakapagbigay tulong sa mga programa ng gobyerno, lalo na ang financial assistance sa mga indibidwal at komunidad na nangangailangan tulad ng ambulansiya.
Maraming Pinoy ang sumulpot at umattend ng summit sa Sydney kaya’t hindi napigilan ni Kotter na humanga sa malakas na commitment ng Pilipinas sa international lottery.“I’m so happy that so many Filipinos came over to Sydney. That really shows the commitment of the lottery of the Philippines to the system, and also to WLA,” aniya.
Mga kosa, tangkilikin ang palaro ng PCSO para ang mga kababayan natin ay makinabang, lalo na ang mga may sakit. Mismooooo! Abangan!
- Latest















