^

Probinsiya

77-anyos lola natagpuang patay sa septic tank

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
77-anyos lola natagpuang patay sa septic tank
The map shows Cebu City.
Google Map

MANILA, Philippines — Isang 77-anyos na lola na ilang araw nang nawawala ang natagpuang patay sa loob ng ginagawang septic tank sa isang subdivision sa Barangay Tungkil, Minglanilla, Cebu, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Minglanilla Police Chief Lt. Col. Maria Theresa Macatangay, nitong Agosto 3 nang maiulat sa mga awtoridad na nawawala ang biktima na hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan.

Sinasabing ang matanda ay may sakit na Alzheimer at ang naturang septic tank ay malapit lang sa bahay nito.

“May nakarinig nang malakas na ingay pero pagtingin nila sa bintana, wala namang tao,” sabi ni Mactangay.

Sinasabing baka lumabas ng bahay ang biktima at saka biglang nahulog sa ginagawang septic tank na natakpan lamang ng mga GI sheets.

Sa lalim umano ng septic tank ay maaaring hindi na nakahingi ng tulong ang biktima hanggang sa doon na nalagutan ng hininga.

MARIA THERESA MACATANGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with