^

Metro

Manager, tepok sa suntok ng obrero

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa ninakaw na plaka ng sasakyan

MANILA, Philippines — Patay ang isang 39-anyos na mana­ger nang suntukin ng kapitbahay na kanyang kinompronta dahil sa paggasgas ng kanyang sasakyan at pagnanakaw ng plaka nito, kamakala­wa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Muhhamad Ali Ramirez Macapundag, 39, may asawa, manager, tubong Marawi City at residente ng No. 39B Sta. Catalina St., Brgy. Holy Spirit, Que­zon City.

Arestado naman ang suspek na si Joey Umuso Bulusan, 30, binata, construction worker, ng No. 5
St. Joseph St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Sa report ng Quezom City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU), bandang alas-11:30 ng gabi nitong Martes, nang maganap ang insidente sa St. Joseph St., Brgy. Holy Spirit, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PStaff Sgt Lorenz Mappala, bago ang insidente, sinabi ng biktima sa kapatid na si Mohalem na puwersahang tinanggal ng suspek ang plate number at ginasgasan pa ang kanyang sasakyan.

Dahil dito, kinompronta ng magkapatid ang suspek at hinahanap dito ang nawawalang plaka. Pero agad na nagwala ang suspek at at sumigaw ng mga salitang “Oo ako gumawa niyan, lasing ako, huwag ka mag-alala babayaran ko ‘yan” at sabay suntok sa mukha ang naturang manager.

Bagama’t gumanti ng suntok ang biktima at naawat, bigla siyang natumba at nawalan ng malay.

Naisugod pa sa Rosario Maclang General Hospital subalit binawian din ng buhay ang biktima.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with