^

PSN Palaro

Thunder, Nuggets at Wolves pag-aagawan ang West No. 1 spot

Pilipino Star Ngayon
Thunder, Nuggets at Wolves pag-aagawan ang West No. 1 spot
Ang mga ito ay ang magkakatablang Oklahoma City Thunder (56-25), Minnesota Timberwolves (56-25) at nag­dedepensang Denver Nuggets (56-25).
STAR/ File

NEW YORK -  Habang tiyak na sa No. 1 spot ang NBA-leading Boston Celtics Eastern Conference playoffs, tatlong ko­ponan naman ang nag-aagawan sa top seed sa Western Conference.

Ang mga ito ay ang magkakatablang Oklahoma City Thunder (56-25), Minnesota Timberwolves (56-25) at nag­dedepensang Denver Nuggets (56-25).

Ito ang unang pagkakataon na nagtabla ang tatlong koponan para sa best record ng kanilang conference sa loob ng 81 laro.

Sasagupain ng Thunder ang Dallas Mavericks, samantalang haharapin ng Nuggets ang Memphis Grizzlies at sasagupain ng Timberwolves ang Phoenix Suns sa pagsasara ng regular season ngayon.

Ang Celtics (63-18) ang top overall seed at nakatiyak na ng home-court advantage sa postseason, habang mag­pupuwestuhan pa ang ibang koponan sa East.

Sa pagtiklop ng regular season ay ang top six teams sa bawat conference ang makakatiyak ng playoff spots, habang ang Nos. 7-10 sa standings ang maglalaro sa play-in tournament na nakatakda sa Abril 16-19.

Ang dalawang koponan sa bawat conference ang bubuo sa eight-team field kung saan magsisimula ang first round ng playoffs sa Abril 20.

Ang lahat ng 30 tropa ay maglalaro sa final playdate ng eliminations at ang lima sa 20 postseason seeds ay nakapuwesto na sa playoffs.

Maliban sa Celtics, nakaupo na rin ang Chicago Bulls (39-42) sa No. 9 at ang Atlanta Hawks (36-45) sa No. 10 sa Eastern Conference.

Ang Nos. 4 at 5 seeds sa West ay ang Los Angeles LA Clippers (51-30) at Dallas Mavericks (50-31).

Talsik na sa East ang Brooklyn Nets (32-49), Toronto Raptors (25-56), Charlotte Hornets (20-61), Washington Wizards (15-66) at Detroit Pistons (14-67).

Sibak naman sa West ang Houston Rockets (40-41), Utah Jazz (31-50), Memphis Grizzlies (27-54), Portland Trail Blazers (21-60) at San Antonio Spurs (21-60).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with