^

Bansa

Romualdez 1 buwan sa PGH – Sandiganbayan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Romualdez 1 buwan sa PGH – Sandiganbayan
Rep. Martin Romualdez (Leyte) lies in a hospital bed at Cardinal Santos Medical Center as police place him under custody on Sept. 7, 2026, following the Sandiganbayan's issuance of a warrant in a P7.44-billion plunder case.
Philstar.com / Contributed photo

MANILA, Philippines — Mananatili sa Philippine General Hospital (PGH) si dating House Speaker Martin Romualdez simula ngayong Sabado, Setyembre 12, hanggang sa maglabas ng panibagong utos ang Sandiganbayan.

Ito ang iniutos ni Sandiganbayan Third Division Chairperson Associate Justice Karl Miranda, sa pagdinig nitong Biyernes.

Ayon kay Miranda, ipinasailalim si Romualdez sa independent medical examination sa PGH upang mapatunayan ang resulta ng pagsusuring isinagawa ng kanyang mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center.

Layunin din ng pagsusuri na matukoy kung kinakailangan pa bang manatili sa isang ospital si Romualdez, na kasalukuyang naka-confine sa Cardinal Santos matapos makaranas ng pananakit ng dibdib.

Sinabi ni Third Division Clerk of Court Dennis Pulma na matapos ma-discharge si Romualdez sa Cardinal Santos sa Sabado, ililipat ang kanyang physical location sa PGH hanggang sa may panibagong utos ang korte.

Una nang kinuwestiyon ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno ang mungkahi ng Cardiologist ni Romualdez na si Dr. Rody Sy na manatili ang kongresista ng apat hanggang anim na buwan sa ospital.

Ani Moreno, hindi katanggap-tanggap ang naturang panahon ng pag­hihintay dahil patuloy na nababatikos ang korte sa pagkaantala ng paglipat kay Romualdez sa regular na detention facility.

“Four-to-six weeks? Minumura na po kami ng tao,” pahayag ni Moreno.

Si Moreno ay kabilang sa tatlong mahistrado ng Sandiganbayan Third Division na dumidinig sa P7.4-bilyong plunder case laban kay Romualdez kaugnay ng umano’y P56-bilyong flood control scandal.

Samantala, sinabi naman ng admitting doctor ng Cardinal Santos Medical Center na si Dr. Kurt Allen Sibayan na ipinagtaka niya ang pag­hingi ng clinical abstract ni Romualdez ilang oras bago ito ia-admit sa ospital noong Setyembre 7.

Sa pagdinig, sinabi ni Sibayan na isang staff ni Romualdez ang humiling sa kanya, sa pamamagitan ng isang third-party doctor, na gumawa ng clinical abstract.

Ayon kay Sibayan, karaniwang inilalabas ang clinical abstract kapag na-discharge na ang pasyente.

Iginiit naman ni Dr. Rosalio Torres, overall coordinator at hematologist ng Cardinal Santos Medical Center, na wala umanong nakatakdang operasyon o anumang invasive medical procedure para kay Romualdez sa ngayon.

PGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with