^

Punto Mo

EDITORYAL - Aklat na kahina-hinala, imbestigahan ng DepEd

Pang-masa

HINDI dapat balewalain ang isiniwalat ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III tungkol sa isang textbook para sa Grade 3 students. Ibi­nunyag ni Sotto sa budget deliberation ng Department of Education (DepEd) na ang aklat na pinamagatang “Bandila: Makabansang Pilipino 3” ay naglalaman ng QR code na kapag ini-scan ay magdadala sa mga mag-aaral sa isang video sa online tungkol sa Mayon Volcano. Ayon kay Sotto, ang video ay ginawa ng China Global Television Network (CGTN).

Tanong ni Sotto: Bakit kailangan pang gumamit ng learning references mula sa ibang bansa sa pagtuturo sa mga batang Pilipino tungkol sa sarili nilang bayan?

Hindi naman masama ang paggamit ng mga learning­ references mula sa ibang bansa kung tama at mapag­kakatiwalaan ang impormasyong nakapaloob dito. Ga­yunman, sa rami ng mga lokal na institusyon na ma­a­aring pagkunan ng impormasyon tungkol sa ating bansa, bakit hindi ang mga ito ang unahin?

Bagama’t iniimbestigahan pa ng DepEd ang na­tu­­rang aklat, muling nabuksan ng insidenteng ito ang usapin­ sa kalidad ng mga learning materials sa bansa.

Matatandaang noong 2019, pinuna ng Commission on Audit (COA) ang mga learning materials para sa Grade 3 na nagkakahalaga ng P254.35 milyon dahil sa factual, grammatical and conceptual errors.

Maging noong kasagsagan ng pandemya ay nakapagtala rin ang DepEd ng maraming pagkakamali sa mga learning module na ginagamit ng mga estudyante.

Ngayong bahagi na ng makabagong edukasyon ang paggamit ng teknolohiya, kailangang palawakin ng DepEd ang pagsusuri nito hindi lamang sa mga naka-imprenta na impormasyon kundi maging sa mga digital na references na nakapaloob sa mga aklat.

Dapat ding magkaroon ng regular na pagsusuri sa mga QR code sapagkat maaaring magbago ang nilalaman ng mga website na tinutukoy ng mga ito.

Malaki ang responsibilidad ng DepEd at ng mga publisher sa paghubog ng kaalaman ng kabataan.

Hindi dapat ang mga mag-aaral ang sumalo sa kaku­langan ng mga taong pinagkatiwalaang magbigay sa kanila ng wastong impormasyon.

Nakababahala ang isyung ito. Dapat din namang magkaroon ng pagkilos ang mga guro at mga grupo ukol dito. Paano kung hindi napansin ng Senado ang textbook na ito? Hahayaan na lang na gamitin?

Dapat kumilos ang DepEd bago pa mabasa ng mga kabataan ang mga nilalaman ng aklat. Hindi dapat kumalat ang ganitong aklat na ang gumawa ay dayuhan.

VICENTE “TITO� SOTTO III

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with