^

Police Metro

Mon Tulfo, na-‘wow mali’ sa expose kay Romualdez

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inamin ni columnist Ramon Tulfo na mali ang kanyang naunang impormasyon na nakalalabas at nakakabalik umano sa kulungan sa New QC Jail si dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Tulfo na nakakahiya at nakakababa ng pagkatao na dinala niya sa kanyang mga mambabasa ang isang impormasyong hindi totoo at akala niya ay ganap na katotohanan.

“Binigyan ako ng maling ulat na ang dating speaker na si Martin Romualdez ay nakakapasok at nakakalabas ng kulungan. Kumpleto sa lahat ng detalye tulad ng pagsakay sa ambulansya at mga nagaganap na brownout para hindi siya makitang lumalabas at bumabalik.Walang ganoong nangyari noong magsimula nang lumabas ang mga katotohanan kahapon.” ayon sa FB post ni Tulfo.

Nitong Martes, nag-post si Tulfo batay sa sinabi ng kanyang “tweety bird” o impormante na umanoy pinapatay ni QC Jail-Male Dormitory Superintendent Maria Lourdes Pacion ang kuryente ng pasilidad sa tuwing aalis at babalik si Romualdez sa kulungan para hindi ito makuha ng CCTV.

Dahil dito, nag-imbestiga ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at inutusan din ng Sandiganbayan Third Division ang mga opisyal ng BJMP na tumestigo.

Sinabi ni Tulfo na dahil sa nangyari ay wala siyang ibang masisisi kundi ang kanyang sarili.

RAMON TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with