^

Probinsiya

15-anyos estudyante utas sa kidlat sa hiking

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang hiking ng magkaibigang estudyante, nang biglang masapol ng kidlat ang isa sa kanila sa Mt. Sayao, Brgy. Consuelo, Naval, Biliran nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Jimmy, 15-anyos, na idineklarang dead-on-arrival sa Municipal Health Office.

Sa ulat nangyari ang insidente ay nangyari dakong ala-1 ng hapon kung saan dahilan maagang natapos ang klase ay nag-hiking  sa Mt. Sayao ang naturang estudyante kasama ang kaibigan nito. Gayunman, habang nagha-hiking ang magkaibigan ay biglang kumulog at kumidlat ng malakas.

Ang kidlat ay sumapol sa katawan ng nasabing estudyante at agad nagkikisay.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang binatiyo pero matapos ang ­ilang oras na gamutan ay binawian na ito ng buhay.

MUNICIPAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with