^

Police Metro

5 host ng ‘Machong Chismisan’, sinubpoena ng NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa
5 host ng ‘Machong Chismisan’, sinubpoena ng NBI
Machong Chismisan
Screengrab from Machong Chismisan podcast

MANILA, Philippines — Pinadalhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena ang limang host at miyembro ng podcast na “Machong Chismisan” dahil sa kanilang mga naging pahayag laban kay Joshua “Josh” Aquino, anak ni Kris Aquino.

Inutusan ang mga host na humarap sa NBI Cybercrime Division sa Oktubre 20, 2026 ganap na alas-2:00 ng hapon.

Ang mga ito ay iimbestigahan sa posibleng paglabag sa Republic Act No. 7277 (Magna Carta for Persons with Disability) at Cybercrime Prevention Act of 2012 (cyber libel).

Magugunita na umani nang matinding batikos ang burado nang episode ng podcast na pinamagatang “Ang Pagbabalik ni Kris Aquino,” kung saan nagbitaw sila ng mga di-kanais-nais na komento tungkol kay Josh Aquino (na may autism spectrum) at kay Bimby.

Agad din na inanunsyo ng The Pod Network Entertainment na pormal na nilang tinapos ang kanilang kontrata sa Machong Chismisan.

Naglabas na rin ng public apology ang mga host, ngunit ayon kay NBI Director Melvin Matibag, hindi nito maaalis ang kanilang posibleng pananagutan sa batas.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with