^

PSN Opinyon

Okay ang e-trike ban sa major roads

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

NITONG mga nagdaang taon, napansin natin ang pagdami ng mga gumagamit ng e-trike, e-bike at e-scooter sa Metro Manila.

Ginagamit ito bilang panghatid sa mga anak sa paaralan, pamamalengke, at pati na rin sa pagpasok sa trabaho. Bukod sa convenient, hindi ka na gagastos ng pamasahe sa jeep o tricycle.

Kasabay ng pagdami ng mga ganitong uri ng sasakyan, nadagdagan din ang bilang ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng e-trike at e-bike sa Metro Manila.

Batay sa datos mula sa Road Safety Unit ng Metro Manila Development Authority (MMDA), may naitalang 907 kaso ng aksidenteng may kinalaman sa e-bike, e-trike, at e-scooter noong nakaraang taon.

Lubhang nakakaalarma ang bilang na ito dahil halos triple ang itinaas, mula sa 309 aksidenteng naitala ng mga ganitong uri ng sasakyan noong 2019.

Inaasahan na tataas pa ang bilang na ito, lalo ngayong kahit saan ka tumingin ay mayroong e-bike o e-trike na bumabagtas sa malalaki nating kalsada sa kamaynilaan.

Ang mahirap pa rito, hindi kontrolado kung sino o may sapat bang kaalaman sa pagmamaneho ang nagpapatakbo ng mga sasakyang ganito. 

Sino nga ba ang makakalimot sa nag-viral na e-trike na bumabagtas sa kahabaan ng South Luzon Expressway, o sa e-trike na minamaneho ng isang bata habang papasok sa paaralan?

Kaya minabuti ng MMDA na magpatupad ng ban sa e-bikes at e-trikes sa mga major roads. Dalawang araw na nagsagawa ng information drive ang MMDA bago sinimulan ang pagpapatupad ng ban ngayong araw, Abril 17.

Sakop ng ban ang ilang national roads, circumferential roads, at radial roads in Metro Manila. Sa ating lungsod, saklaw nito ang Araneta Avenue, Katipunan Avenue, Quezon Ave., Commonwealth Ave., Mindanao Avenue at Elliptical Road.

Multang P2,500 ang ipapataw sa sinumang lalabag. Kapag walang maipakitang driver’s license ang may dala ng e-trike, awtomatikong ma-i-impound ang sasakyan.

Kabilang tayo sa mga mayor na pumabor sa ban. Supor­tado natin ang hakbang na ito, lalo’t kaligtasan ng mga may dala nito ang nakataya, lalo na ng QCitizens.

Hihintayin pa ba nating lumobo pa ang bilang ng mga aksidente at mga masasawi bago tayo umaksiyon? Mabuti nang kumilos nang maaga kaysa magsisihan kapag naririyan na ang trahedya.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with