^

PSN Opinyon

Opis ni Marbil, ikinokolekta na sa illegal gambling!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

FLASH Report: Halos dalawang linggo pa lang sa puwesto si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil subalit may kakalakihan na nag-iikot para ikolekta ang kanyang opisina sa illegal gambling. Kung sabagay, wala pang inilabas na polisiya si Marbil kung ano ang official stand niya sa sugal-lupa. Di tulad ni ex-PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na sa pag-upo pa lang ay nagdeklara na ng “no take policy” sa illegal gambling. Dahil tahimik si Marbil sa isyu ng pasugalan, ang may “no take policy” na lang ay si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Kaya kung sarado­ ang sugal-lupa sa Metro Manila at bukas naman sa ibang lugar ng Pinas, ay get’s n’yo na mga kosa.

Tahimik ang buhay ni Maj. Gen. Mario Reyes, ang hepe ng Directorate for Logistics ng PNP nang biglang sumam­bulat ang name n’ya sa social media. Biglang nag-viral kasi itong ginawa ng isang alyas Maj. Miguel, na umano’y taga-ISAFP na pumasok sa EDSA bus lane ang SUV niya at ayaw pa-tiket sa mga ahente ng MMDA. Ang masama niyan, na-namedrop pa ni Miguel ang pangalan ni Reyes sabay sigaw na hindi siya puwedeng tiketan. Ano ba ‘yan? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Siyempre, deny to death si Reyes na kamag-anak niya si Miguel “by blood or affinity.” Sinabi pa ni Reyes na ni minsan ay hindi n’ya nakaharap si Miguel sa anumang kapasidadl. Sanamagan! “I strongly condemn the act of namedropping me in a recent incident regarding a traffic violation of the EDSA bus lane policy,” ani Reyes. “Any attempt to exploit the name or reputation of a law enforcement officer for per­sonal gain or to avoid accountability is utterly unacceptable and undermines the integrity of our organization. The PNP enforces the law without fear or favor,” ang giit pa ni Reyes. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Nanawagan pa si Reyes sa publiko na ‘wag gumamit sa ganoong “deceptive practices and to respect the authority­ of law enforcement officers.” “I also urge concerned agencies to conduct a show cause order and thorough investigation to perhaps file usurpation of authority to that person,” and nasambit pa ni Reyes. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hinarang ng MMDA enforcers si Miguel matapos pumasok sa EDSA bus lane ng nakaraang linggo. Nang titiketan na ng traffic enforcer, nagpakilala si Miguel na taga-ISAFP at isang Filipino-American, na kasama sa preparations ng Balikatan exercises ng Pinoy at US forces sa Pinas. Pumayag sa bandang huli si Miguel na tiketan subalit ayaw i-surrender ang kanyang driver’s license matapos banggitin ang pangalan ni Reyes. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang masama lang d’yan, nakikipag-usap na si Reyes sa kanyang abogado at balak n’yang sampahan ng kaukulang kaso si Miguel. Sana maging leksiyon sa marami ang kaso ni Miguel. Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with