^

PSN Opinyon

MPD, ready na sa transport strike!—Ibay

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAGPAPAPANSIN na naman ang mga transport groups habang papalapit ang April 30 final deadline na ibinigay ni President Bongbong Marcos para sa Public Utility Vehicles Modernization Program. Ang problema lang, matatakot pa kaya ng mga transport groups si BBM para ipagliban na muli ang PUVMP? Sa tingin ng mga kosa ko period na talaga ‘yan!

Kaya sinabi ng mga kosa ko na futile exercise itong gagawing transport strike bukas ng grupong Manibela at Pagkakaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON). Bakit ayaw ng mga transport groups sa pagbabago? Hehehe! Tiyak marami silang kasagutan diyan, di ba mga kosa?

Sa Maynila naman, ready na si MPD director Brig. Gen. Tom Ibay na mag-deploy ng uniformed policemen sa mga ruta ng sasakyan, tulad ng España, Taft Ave., Recto Ave., at iba pa, kung saan maraming pasahero ang nag-aabang nang masasakyan. 

Bibigyang proteksiyon ni Ibay ang mga tsuper na patuloy na bumibiyahe para hindi magkaroon ng away sa striking drivers. Ang lahat naman ng available na sasakyan ng MPD ay i-deploy para iuwi ang mga na-stranded na pasahero.

Subalit kapag iniutos ni Mayor Honey Lacuna, ang mga behikulo ng MPD ay ipadala sa City Hall kung saan sila ang gigiya kung saan i-deploy ang mga ito para sa “Libreng Sakay’ operation. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa parte naman ng PNP, sinabi ni PNP information chief at spokesperson Col. Jean Fajardo na handa na silang mag-assist sa mga stranded commuters. Kinaugalian na kasi ng mga striking jeepney drivers na bumiyahe muna sa umaga para ihatid ang mga pasahero sa destinasyon nila. Subalit tigil pasada na sila sa hapon para walang masakyan ang mga commuters at sa gayon ay mapansin ang  protesta nila.

Laos na ang style na ‘yan, di ba mga kosa? Dahil ­bistado na ang estilo na ‘yan, abayyyyy magdi-deploy ang PNP ng mobile assets para asistihan ang mga pasahero na makauwi ng ligtas at matiwasay sa kani-kanilang bahay. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

“Kapagka may mga transport strikes, naglalabas tayo ng mga mobility assets natin katuwang ang MMDA, particularly dito sa NCR at yung mga LGUs natin and even yung LTFRB ay naglalabas yan ng mga malalaking buses,” ayon kay Fajardo.

“Nagpapatrol yung mga pulis natin sa daan at may matitiyempuhan diyan na kasama kayo sa naapektuhan ng transport strike parahin niyo lang yung mga  patrol vehicles ng PNP at aalalayan at bibigyan kayo ng assistance para makarating doon sa inyong mga patutunguhan,” ang dagdag pa ni Fajardo.

Idiniin ni Fajardo na papayagan nila ang mga transport groups na isigaw ang kanilang hinaing sa gobyerno ni BBM subalit dapat hindi mauwi ito sa kaguluhan. Mismooo! “Ibibigay natin sa kanila ang araw na yan but of course we will exercise maximum tolerance para naman hindi magkaroon ng anumang gulo,” ani Fajardo. Sal-it!

Ipinangako naman ni BBM na ang PUVMP ay hindi magiging pasakit sa mga drivers at operators dahil magkaroon ng subsidy sa gobyerno mula P200,000 hanggang P300,000 ang mga modernong behikulo. Abangan!

 

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with