^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Anong gagawin sa mga pulis na scalawags?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Anong gagawin sa mga pulis na scalawags?

SABI ng bagong Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil sa kanyang talumpati kahapon, isasakatuparan daw niya ang mga ninanais ni President Ferdinand Marcos Jr. para sa ikauunlad ng bansa. Isasakatuparan niya ang mga pangarap nito na maging matatag ang ekonomiya, maayos na lipunan at maayos na kapulisan. Matutupad umano ang mga ito. Si Marbil ang ika-30 PNP chief. Pinalitan niya ang nagretirong si Gen. Benjamin Acorda Jr.

Halos lahat naman ng mga nanungkulang PNP chief ay may pangako kapag itinalaga na sa puwesto pero, hindi rin natutupad ang kanilang mga pinangako. Marami nang naging PNP chief pero nagretiro sila na wala ring natupad sa mga pinangako partikular na ang pagpapatino o paglipol sa mga pulis na gumagawa ng kasamaan. Hindi na kaila sa mamamayan na nakula­pulan na ng putik ang imahe ng PNP dahil sa mga scalawags na miyembro.

Isa sa mga wini-wish ng mamamayan ay magkaroon ang PNP ng mga pulis na mapagkakatiwalaan, marangal, matulungin, handang magprotekta at mag­tanggol at matapang laban sa mga criminal.

Hindi na mabilang ang mga pulis na nasangkot sa masasamang gawain. May nanghuhulidap, may kidnaper, may robber at may nagre-recycle ng droga. Ma­rami sila. Bagama’t may mga mabubuti pang pulis, iilan na lamang sila. Mas marami ngayon ang masasama at labis na kinatatakutan ng mamamayan. May mga tao na nagsabing kapag nakita nila ang asul na uniporme ng pulis ay kinakabahan na sila.

Noong Black Saturday (Marso 30), isang motorcycle rider ang pinagbabaril ng isang pulis sa San Dionisio, Parañaque City. Nilapitan umano ng pulis na nakilalang si Jayrome Licuanan y Bulay-Og, mi­yem­­bro ng PNP-Mobile Patrol Security Unit ng Aviation Security Group si Neil Wong, 27, at tinangkang agawin ang motorsiklo nito. Pumalag ang biktima at binaril ng pulis ng tatlong beses. Isang witness ang nakakita nang pagbabarilin ang biktima. Naaresto ang pulis nang dumaan ang mobile car 314 ng Para­ñaque City Police Sub-station 4. Nakuha sa pulis ang cell phone ng biktima, ATM card at isang TAP tactical bag. Sabi ng suspek na pulis, nagawa niyang barilin ang biktima dahil binato umano siya at minura nito.

Ang pangyayaring ito ay dagdag na naman sa dungis ng PNP. Ito ang problemang kinakaharap ni General Marbil. Malaking hamon sa kanya ang mga pulis na scalawags. Harinawa na ang pangako niya na magkakaroon nang maayos na kapulisan ay magka­roon ng katuparan. Hindi sana ito basta pangako lang.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with