^

PSN Opinyon

Destabilization na ba ito?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALIGALIG ang gobyerno sa mga sunud-sunod na bomb threat na ang binabantaan ay pulos ahensiya ng gobyerno. Puwede itong tingnan sa dalawang anggulo:

Maaaring may totoong mga plano upang ibagsak ang administrasyong Marcos o kaya, may nag-uudyok kay Pre­sidente Bongbong Marcos na magdeklara ng martial law gaya ng ginawa ng kanyang ama. Sa tingin ko sa batang Marcos, wala siyang ganyang intensyon dahil natuto na siya ng aral sa nangyari nang gawin ito ng kanyang ama.

Ngunit maaaring may mga opisyal na nakapaligid sa Presidente na maaaring makinabang sa ilalim ng rehimeng diktadurya. Kapag may nagkatotoo sa mga bantang pambobomba, hindi ko matiyak ang gagawin ng administrasyon. Sana, puro banta lang at hindi mangyari.

At kung totoo at seryoso ang planong pabagsakin si Marcos, malamang, kampo ni Duterte ang paghihinalaan dahil sa nakaraang mga araw, nagpahayag ang ex-president ng galit sa administrasyon na tila kumakampi na sa International Criminal Court (ICC) na gustong umaresto sa kanya. Ito’y kahit paulit-ulit nang sinabi ni Marcos na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

Mahirap ang katayuan ni Marcos dahil hindi niya mati­yak kung sino ang kanyang mga kakampi at kaaway sa loob ng gobyerno. At kahit pa pulos mga bantang pambobomba lamang, makasasagabal iyan nang malaki sa operasyon ng pamahalaan. Pati mga taong may transak­siyon sa pamahalaan ay matatakot magtungo sa govern­ment offices.

Kung sino man ang may pakana ng mga ito, itigil na ang pananabotahe sa gobyerno. Maawa kayo sa taumbayan.

vuukle comment

BOMB THREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with