^

PSN Opinyon

Banawe Street, bagong tourism hub

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang sentro ng kalakalan ng ating lungsod ang Banawe Street, na kilala bilang one-stop shop ng mga kailangang piyesa sa sasakyan.

Nakikilala na rin ang lugar bilang haven ng mga foodie dahil sa kabi-kabilang restaurant na talaga namang dinarayo ng mga residente mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Dito rin makikita ang pinakamalaking Chinatown district sa buong mundo na may lawak na 5,919 square kilometers.

Para maisulong ang Banawe Street bilang tourism hub, naglinya tayo ng tatlong araw na selebrasyon ng Chinese New Year mula Pebrero 9 hanggang 11.

Sa paraang ito, masusuportahan din natin ang maliliit na negosyo sa pagbibigay sa kanila ng tsansang magka­roon ng kabuhayan habang isinasagawa natin ang pagsalubong sa Year of the Wood Dragon.

Magbibigay din ang tatlong araw na pagdiriwang ng pag­kakataon sa ating mga kababayan na ma-enjoy at mapa­lago ang kanilang kaalaman ukol sa mayamang kultura ng mga kapatid nating Chinese.

Sa Biyernes, isasagawa ang QC Chinatown Heritage Tour na pangungunahan ng kilalang Chinese tour guide na si Stanley Chi. Pupuntahan ng tour ang mga landmark sa lugar gaya ng Sheng Lian Temple, ang headquarters ng Buddhist Humanitarian Organization headquarters na Tzu Chi Foundation, at ang Filipino-Chinese Friendship arcs na tinatawag na “Paifangs”, Wow Toy Museum, at ma­rami pang iba.

Sa mga mahilig kumain, bahagi ng tour ang isang Resto Hop kung saan matitikman nila ang pinakamasarap na pag­kain sa lugar.

Nakalinya rin ang QC Chinatown Food, Arts and Craft event kung saan makakabili ng Chinese food, lucky charms at iba pang likha.

Sa Sabado naman, bubuksan ang pagdiriwang sa isang Lion and Dragon Dance na susundan ng Chinatown Float Parade, Chinese Calligraphy and Painting Demonstration at program proper ganap na alas-kwatro ng hapon.

Kasama rin natin sina Joaquin Co (Pangulo ng QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc.), Charles Chen (Chairman ng QC Chinatown Development Foundation, Inc.) at Dr. Cecilio K. Pedro (Pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.) sa pagdiriwang.

Asahan ang performance nina Jake Cuenca at Autotelic. Isang grand fireworks display naman ang magsisilbing pagtatapos ng event.

Sa linggo, may heritage bike tour sa QC Chinatown at tuluy-tuloy pa rin ang food, arts and crafts fair.

Open ang pagdiriwang sa lahat, kaya punta na sa Banawe ngayong Biyernes hanggang Linggo.

vuukle comment

CHINESE NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with