^

PSN Opinyon

Wala na sa hulog ang kaisipan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Payag ba kayo sa isinusulong ni dating Presidente Duterte­ na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas? Para sa akin, kasama ako sa mga mamamayang mag-aalsa kapag ginawa iyan.

Dalawa lang ang dahilan para sa isang dating Presidente ng bansa para tangkaing ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas:

Una—kawalan ng nasyonalismo at katraydoran o; wala nang katinuan ang isip.

Alin man sa mga rason na ito’y hindi katanggap-tanggap.

Nangangalap na raw ng pirma ng mga mamamayan si Rodrigo Duterte na naglalayong gawing kahiwalay na bansa ang Mindanao. Ang secessionism, gaya ng isinusulong ng MNLF at MILF ay ugat ng mga madudugong sagupaan sa Mindanao. Maraming kawal ng militar ang nagpakabayani at nagbuwis ng buhay para mapigilan ang mga ganitong pagtatangka. Kung totoong Pilipino si Du­terte, niyuyurakan niya ang dugo ng mga bayaning lumaban sa pagtatanggol sa Inambayan.

Maaaring silakbo lang ng poot ni Duterte kay Bongbong Marcos ang kanyang sinabi pero bilang dating Presidente ng buong Republika ng Pilipinas na nakipaglaban din sa mga nangtangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas, hindi niya dapat sabihin ito.

Hindi ko tiyak kung ang mga bulag na nagmamahal at sumusuporta sa kanilang Tatay Digong ay magbabago na ng pananaw sa kanya. Iginagalang ko pa rin ang karapatan nilang pumili ng papanigan. Pero sana ay makapag-isip na kayo. Sana lang.

vuukle comment

MINDANAO

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with