^

PSN Opinyon

Mag-face mask daw uli

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAYROONG infectious disease expert na nagmumung­kahing pagsuotin muli ng face mask ang taumbayan habang nasa mga pampublikong lugar. Ito ay dahil sa bagong res­piratory disease na nagmula sa China. Walang ma­sama sa face mask.

Kahit noong wala pang COVID-19 pandemic ay may mga taong gumagamit na nito. Karapatan ng sino man na pangalagaan ang sariling kalusugan. Sa kasagsagan ng pandemic ay naobliga ang lahat na magsuot nito dahil­ sandamukal ang mga naibabalitang namamatay sa sakit.

Marami ang natakot kaya napilitang magsuot nito. Hang­gang ngayon, bagamat malaki na ang nabawas sa mga tumatangkilik sa face masks, marami pa ring gumagamit nito. Naging habit na kumbaga.

Naging napakalaking negosyo ng face mask at face shield. Kahit natapos na ang pandemic, may ilang sektor na tumututol  na alisin ng pamahalaan ang mandatory na paggamit ng face masks. Babagsak kasi ang negosyo.

May mga nagsasabi na tuso talaga ang China pag­dating sa negosyo, gumagawa sila ng virus na ikina­kalat sa daigdig para maibenta ang kanilang face masks. Nagpapatawa lang siguro ang mga may suspetsang ganito.

Pero sa totoo lang, malamang ang pagpapakalat ng virus ay talagang isang uri ng germ warfare na inihahasik upang ipakita ang lakas sa pakikidigma.

Sales slogan ng China: “Buy our face masks and get free respiratory disease!” Joke only!

vuukle comment

COVID-19

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with