^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Habulin din ng BIR ang ‘malalaking isda’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Habulin din ng BIR ang �malalaking isda�

NAGBABALA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa social media influencers, vloggers at content creators na dapat magbayad ng buwis para hindi sila makasuhan. Ayon sa BIR, hindi umano pinapansin ng influencers ang kanilang panawagan na magbayad ng buwis. Marami rin umano sa influencers ang hindi pa nakapagrerehistro sa BIR sa kabila na ilang ulit na silang nagpaalala. Ang patuloy umanong pagbalewala ng influencers sa panawagan ng BIR ay maaaring maging dahilan para sila maka­suhan ng tax evasion. Ayon pa sa BIR, hindi lamang vloggers at influencers ang kanilang minomonitor kundi pati ang mga online gamer na kumikita sa paglalaro. Ayon pa sa BIR, kumikita nang malaki ang influencers kaya nararapat lamang na magbayad sila ng buwis sa pamahalaan. Kapag hindi nakapagba­yad, kakasuhan sila ng tax evasion, na may multang P500,000 hanggang P10 milyon at pagkakakulong ng anim hanggang 10 taon.

Nagsimulang imonitor ng BIR ang media influen­cers at vloggers mula pa 2021 at sa kasalukuyan, 250 social media celebrities ang nalaman nilang kumikita­ ng milyong piso bukod pa sa mga freebies. Sa kabila na kumikita nang malaki, hindi nagkukusa ang mga ito na magbayad ng buwis. Hinihintay umano nilang magboluntaryo na magrehistro pero walang pagkilos at nananatiling dinededma ang BIR.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 97-2021, ang influencers ay nararapat magbayad ng income and business taxes — maaaring ito ay percentage tax o value-added tax (VAT). Ayon sa BIR, ang influencers ay kinukonsiderang self-employed individuals.

Desidido ang BIR na habulin ang media influen­cers na hindi nagbabayad ng buwis.

Hindi raw nila titigilan lalo pa’t lubhang kailangan ng bansa ang karagdagang pondo. Ang makoko­lektang buwis ay malaki umano ang maitutulong sa pagpapaunlad ng bansa.

Nararapat namang magbayad ng buwis ang mga kumikita. Nakasaad ito sa batas at ang hindi makasusunod sa patakaran ay makakasuhan ng tax evasion. Pero sana ay ganito rin kabagsik ang BIR sa mga “malalaking isda” na hindi rin nagbabayad ng buwis. Maraming malalaking kompanya ang umiiwas sa pagbabayad ng buwis. Mayron ding mga kompanya na kinukutsaba ang mga korap na BIR officials o employees para “madoktor” ang babayaran.

Huwag sa “maliliit na isda” lamang tumutok ang BIR kundi sa “malalaki” rin. Mas maraming masisi­ngil sa “malalaking isda”.

vuukle comment

BIR

VAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with