^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming kanin ang nasasayang

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maraming kanin ang nasasayang

MAHAL ang bigas. Ang pinakamurang bigas ay naglalaro sa P40-45 bawat kilo. Pero sa kabila nito, marami pa rin ang nasasayang na kanin. Ang mga nasasayang na kanin ay karaniwang nanggagaling sa mga fastfood restaurants lalo na ang mga nag-o-offer ng “unli-rice”. Ayon sa report, maraming­ kanin mula sa mga restaurant ang humahantong lamang sa mga basurahan. Kadalasan, may mga inorder­ na kanin na halos hindi nabawasan at itinapon na.

Ang mga nasasayang na kanin ay pinatunayan ng isang opisyal ng Department of Agriculture-Phi­lippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) at sina­bing dalawang kutsara ng kanin bawat araw ang nasa­sayang sa bawat tao. Ayon kay Dr. Karen Barroga, executive director ng DA-PhilRice, sa dalawang kutsarang kanin na nasasayang araw-araw, nagkakahalaga ito ng tinatayang P7.2 billion bawat taon. Ang nasasayang na kanin ayon pa kay Dr. Barroga ay maaaring magpakain ng 2.5 milyong Pilipino.

Marami raw sa mga Pinoy ang takaw-mata. Oorder nang maraming kanin subalit hindi naman uubusin­. Kailangan daw magkaroon ng disiplina na kung gaano lamang karaming kanin ang kayang ubusin ang dapat orderin para hindi nasasayang. Hiling ni Barroga na ipatupad ng local government units (LGUs) ang ordinansa na pagbibigay ng mga restaurant ng kalahating cup ng kanin para maiwasan ang pag-aaksaya sa kanin.

Ngayong Nobyembre ay National Rice Month Awareness at magandang pagkakataon para maipa­batid sa mamamayan ang kahalagahan ng pagsisi­nop sa kanin na numero unong pagkain ng mga Pili­pino. Maglunsad ng kampanya ang lokal na pamahalaan upang hindi maaksaya ang kanin.

Kumilos din sana ang mga mambabatas na gumawa ng batas na nagbabawal sa mga restawran na mag-offer ng “unli rice”. O kaya himukin ang mga  restaurant na mag-serve ng kalahating cup ng kanin para walang maaksaya. Kung maipatutupad ang pag-serve ng kalahating cup, maiiwasan na ang pagtatapon ng mga tirang kanin.

Ang pag-aaksaya ay isa rin sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon, patuloy sa pag-angkat ng bigas ang bansa. Walang katapusang pag-aangkat na sa dakong huli ay tinatapon din ang mga tirang kanin. Iwasan sana ang pag-aaksaya sa kanin.

vuukle comment

BIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with