^

PSN Opinyon

Huwag kumain nang sobra

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pagkain ng labis ay masama dahil nahihirapan ang mga bahagi ng katawan na tunawin ito. Dodoble ang trabaho ng atay, pancreas, bato at puso dahil sa sobrang dami ng kinain. Tataas din bigla ang blood sugar. Kapag labis ang kinain na karne, marami ring dumi (free radicals) ang ilalabas.

Kaya ipinapayo ng eksperto ang pagkain ng “high nutrient at low calorie diet.” Ang ibig sabihin, mataas sa nutrisyon ang dapat kainin pero mababa naman sa calorie.

Para matupad ito, subukang kumain nang mas ma­raming gulay, isda, prutas, beans, tofu, taho at tokwa. Bawasan ang karneng baka at baboy, matatamis na inu­min at matatabang pagkain. Limitahan din ang pag­kain ng kanin. Kalahati o 1 tasang kanin lang bawat kainan pero damihan ang gulay at prutas. Kung mababawasan ng 10 percent ang kinakain, puwede na.

Payo ko rin ang pagkain ng 5-6 na beses sa isang araw pero pakonti-konti lang. Ang isang saging, man­sanas at pandesal ay puwedeng pangmeryenda na. Sa ganitong paraan, dahan-dahan ang pagpasok ng nutrisyon sa katawan. Maginhawa ito sa mga organ ng katawan.

Ganito ang ginagawa ng mga taga-Okinawa, Japan kaya marahil humahaba ang kanilang buhay. Gayahin natin sila. Huwag magpakabusog.

vuukle comment

BLOOD SUGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with