^

PSN Opinyon

Puro palpak, puro yakyak!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PARA-PARAAN na lang. Diskartehan mo na lang!

Ang sarap pakinggan at bago sa taenga, digital driver license. Wow! Sige, pagbutihin mo, LTO Chief Atty. Jay Art Tugade.

Para lang mapagtakpan ninyo ang kapalpakan ninyo dIyan sa LTO, maglalako kayo ngayon ng bagong ideya.

Hindi pa nga ninyo malutas-lutas ng DOTr ang kakulangan ng driver license plastic card na umabot na sa 5.2 milyon ang mga nag-aantay at nabubuwisit na mga moto­rista, nilihis n’yo na agad ang isyu.

Bigyan n’yo muna ng tumpak na kasagutan kung kailan lalabas at malulutas ang mga plastic card driver license bago kayo magyakyak sa media.

Digital driver license ba, Atty. Tugade? Ingat lang sa mga pinagsasabi mo dahil nakamasid ang mga digital scammers syndicate. Baka maunahan kayo. Good news sa kanila ‘yan.

Problema sa’yo, konsepto at ideya mo pa lang, bino-broadcast mo na agad. Susmaryosep! ‘Tsip, tumingin ka nang diretso, makikita mo ang problema.

Unahin n’yo n alang munang harapin at pagtuunan ng pansin kung paano lulutasin ang kakulangan ng plastic card.

Pokus muna kayo kung paano ninyo matatanggal ang masamang panlasa sa dila ng mga mahihirap nating kaba­bayan na bagong aplikante ng lisensya.

At isa pa, Atty. Jay Art, i-monitor mo ang tanggapan ni Senator ‘Tol Raffy Tulfo dahil binabantayan niya ang “anti-poor” na proseso n’yo diyan sa LTO. Gets mo?

O, ano naman itong sinasabi ng DOTr?

Shutdown daw muna ang airspace ng buong Pilipinas sa Mayo 17, simula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga para sa gagawin nilang corrective maintenance.

Ibig sabihin, habang inaayos nila ang mga power supply­ sa NAIA wala munang bibiyaheng eroplano sa loob ng anim na oras na kung tawagin ng DOTr ay “lean hours.”

Matapos ang bulilyaso at malaking kahihiyan dahil sa power outage sa NAIA noong Enero 1 at May 1, sa wakas nakaisip na rin ng ideya ang DOTr. What a big idea!

Natutuwa ba kami sa inyo? Hindi! Bilib ba kami sa inyo? Hindi rin!

Mahiya-hiya naman kayo! Pukaw na mo!

vuukle comment

LICENSE

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with