^

PSN Opinyon

Makulay na underpass, binuksan na sa Quezon Memorial Circle

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

HUWAG magulat kung kakaiba at kaaya-ayang tanawin na ang inyong makikita tuwing dadaan sa pedestrian under­pass na nag-uugnay sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle (QMC).

Ito’y dahil sa inilagay nating art installation na tinaguriang QC Underparadisso. Nabuo ito sa tulong ng Sentro Artista Art Hub, sa pangunguna nina Jay and Marj Ruiz.

Marami ring artists ang nagtulung-tulong, sa pamumuno ni AG Saño, at nagbahagi ng kanilang talento upang mabuo ang makabuluhan at kamangha-manghang obra. Kabilang dito ang Art Atak team, Cosmic Clint, RKTRS Art Collective, Boundless Possibilities Foundation na nag­dala ng Gentle Giants, at mga estudyante mula sa EARIST, UP College of Fine Arts at Central Colleges of the Philippines.

Tampok dito ang mga imahe ng endangered Philippine flora at fauna, gaya ng Philippine Eagle, Tamaraw, Pangolin­, Warty Pig, Negros Bleeding Heart Pigeon, Tarsier, Waling-waling, at Alocasia.

Ang maganda pa rito, para malaman ang detalye ukol sa bawat species, puwedeng i-scan ng mga dumaan ang QC code na makikita sa entrance ng underpass. Ang mural ay nagsisilbing panawagan sa lahat na magkaisa at makiisa upang protektahan ang ating likas-yaman. Ang “QC Underparadisso” ay bahagi ng ating plano na lalo pang pagandahin at pagyamanin ang Quezon Memorial Circle, na itinuturing na sentro ng ating “Green Lung Network.”

Kasama sa ating balak ang pagpapagawa ng elevated walkway na magkokonekta sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon Memorial Circle para lalo pang mapa­lawak ang tinatawag na “green spaces.”

Target natin na pagsapit ng 2030, mayroon nang 30-40 porsiyentong green and permeable spaces sa buong lungsod. Sa ngayon, mayroon na tayong 226 parks at gagawin natin itong mahigit sa 400 pagdating ng taon 2030.

Nais kong imbitahan ang lahat, maging QCitizen man o hindi, na bisitahin ang “QC Underparadisso” para makita ang ganda at gawing inspirasyon ang mensaheng hatid ng artwork na talaga namang “Instagrammable”.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with