^

PSN Opinyon

Hotel ng nakawan

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita na umaangat na ang ekonomiya ng bansa. Sumisigla nang muli ang mga negosyo lalung-lalo na ang industriya ng turismo. Bumabalik na ang con­fidence ng mga dayuhan at lokal na turista na bumiyahe, mamas­yal at magbakasyon. 

Kuwidaw, ang mga kawatan at dorobo, aktibo na rin.

Mag-ingat sa isang hotel sa may Clark, Pampanga. Tila ginawang pugad at pasyalan din ng mga magnanakaw ang mga hotel rooms. Kaya ang mga turistang naaaliw mag-nature tripping at bird watching sa umaga, pagbalik ng kani­lang mga kuwarto’y masusorpresa sa kanilang madaratnan.

Tulad ng isang Pinay na lumapit sa Pambansang Sum­bungan #ipaBITAGmo. Kasama ang kaniyang boyfriend na isang australian citizen, napili nila ang Hotel Seoul Clark para mag-staycation.

Kung tutuusin, hindi ito pipitsuging hotel, magaganda ang mga kuwarto’t pasilidad. Hindi mo aakalaing may mga nakabantay na buwitreng lulusob paglabas ng kanilang hotel room.

Umagang tapat, tirik ang araw, dalawang oras pa lamang nakakalabas ng kuwarto ang mga biktima ay may nang­yayari na palang kababalaghan sa kanilang kuwarto.  

Pagbalik nila, nagkalat na ang kanilang mga gamit at ang vault kung saan nakalagay ang passport, australian dollars at philippine peso na pera ng dalawa - tinangay din ng kawatan. Literal na nilimas ang kanilang mahahalagang gamit. Laptop, ipad, alahas, wallets at credit cards. Ultimong vault, tinangay ng putris na magnanakaw. 

Here’s the catch, sa imbestigasyon na ginawa ng Ma­ba­­lacat, Pampanga Police Station, not one, but 2 rooms  ang niloo­ban at ninakawan ng kawatan noong mga oras na ‘yun. Mukhang kampante ang hinayupak na maglabas masok sa mga kuwarto ng Hotel Seoul Clark. 

Ayon pa sa imbestigador na nakausap ko, kahit anong card ang gamitin—prepaid card, lisensiya, ID, at iba pa ay mabubuksan ang mga kuwarto. 

Sumbong sa BITAG ng biktima, sagot daw ng ma­nagement sa kanila, wala raw pananagutan ang hotel sa nangyaring nakawan.

Mga ijo de puto’t kutsinta, malayang nakakalabas-masok ang kawatan sa hotel, sablay ang seguridad ng mga guests at kanilang mga gamit, tapos sasabihin niyong wala kayong pananagutan?

Eto naman ang sagot sa BITAG ng inirereklamong hotel sa pamamagitan ng email (verbatim):

With regard to the request for a phone patch, we cannot accommodate your request because the company at present is undergoing a change of management team and the previous team is already relieved of their positions. 

Thank you

(Name withheld)

Admin Officer

Somang Global Clark Corp.

Puwes, wala rin kayong karapatang magnegosyo! Dahil ang lisensiya n’yo, may kaakibat na responsibilidad, hindi para kumita lang.

O kayo diyan sa Clark Development Corporation, kayo ang nagbibigay ng lisensiya sa lintek na hotel na ‘to.

Sinabi ko na sa inyo sa ere, habang nag-iimbestiga kayo, ipasara n’yo ang hotel na ito para wala nang sumunod na mga biktima!

vuukle comment

EKONOMIYA

NEGOSYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with