^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wanted ng FBI

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Wanted ng FBI

Noong nakaraang Biyernes (Pebrero 4), inilabas ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) ang “most wanted” posters ni Pastor Apollo Quiboloy at dalawa niyang followers na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag. Nakasaad sa posters na ang sinumang nakaaalam sa kinaroroonan ni Quiboloy at dalawang kasama nito ay ipagbigay-alam lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng FBI. Si Quiboloy ay inaakusahan ng conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy, and bulk cash smuggling.

Ayon sa FBI website (htttp://www.fbi.gov), noong Nobyembre 2021, isinakdal ng US Federal Grand Jury si Quiboloy at kanyang mga opisyal ng sex trafficking ng mga batang babae na edad 12, pagpuwersa sa mga kabataang babae na maki­pagtalik sa kanya sa ilalim ng banta ng “eternal damnation” at paglabag sa batas ng immigration.

Ang mga akusasyon ay agad namang pinabulaanan ni Quiboloy at sinabing ang mga inaakusa sa kanya ay pawang walang katotohanan at gawa ng “demonyo”. Sabi naman ng mga abogado ni Quiboloy sa inilabas na “wanted” list ng FBI, puwedeng ma-extradited ang kanilang kliyente kung ang legal process ay parehong nasusunod sa US at dito sa Pilipinas. Hindi rin daw nagtatago si Quiboloy at nagpapatuloy sa regular program preaching nito sa radio at TV sa Davao City.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi pa sila nakakatanggap ng anumang pasabi o communication mula sa U.S. government ukol sa posibleng extradition ni Quiboloy pero mariin niyang sinabi na daraan ito sa due process. Wala rin umanong special treatment kay Quiboloy.

Walang makapagsasabi kung hanggang saan hahantong ang kasong ito ni Quiboloy pero kung dumating sa punto na kailangang ipatupad ang extradition, dapat makipagtulungan siya at kanyang mga kasama sa prosecution para magkaroon nang pagkakataong maipagtanggol ang sarili sa korte. Ito ang pinakamabuting magagawa.

vuukle comment

FBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with