^

PSN Opinyon

Pulitika, nakasisira ng pamilya

Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin ang pulitika ay napakaruming laro sa buhay ng tao. Para itong sugal na maglalabas ka ng puhunan tapos kapag nahalal na saka na babawiin ang halagang nagastos nung kampanyahan. Kapag pinasok mo ang mundo ng pulitika, ihanda mo na rin ang sarili dahil ultimo kaliit-liitang itinatago ay mabubunyag. Siyempre hahanapan ka ng butas na ikasisira mo ng iyong kalaban. Wasak ang pagkatao mo ika nga. Meron ding pumapatay at namamatay na mga pulitiko tuwing sasapit ang halalan.

Dito sa ating bansa. maraming pamilya ang nagka­kasira dahil lamang sa pulitika. Magkakapatid, mag-ama at magkakaibigan ay nagbabangayan dahil tu­matakbo sa iisang posisyon. Bakit kasi hindi na lang magsalitan para walang away o samaan ng loob. Puwede naman ‘di ba? Pairalin ang give and take para silang lahat ay makaupo hindi ‘yung nag-uunahan silang makapuwesto.

Isang halimbawa ay ang magkapatid na Abby ay Jun-Jun Binay. Ang hindi ko maintindihan kung bakit pinayagan ng kanilang ama na si Jojo Binay na sabay tumakbo sa iisang posisyon ang kanyang mga anak. Ang mangyayari riyan ay mahahati ang boto ng mga tao na puwedeng ikatalo ng magkapatid sa halalan. Huwag naman sanang mangyari. Baka ang makinabang sa bangayan ng magkapatid na Binay ay ang kalaban nila sa pagka-mayor sa Makati.

Ang masamang epekto nito ay ang magkakapatid na walang pakundangang magpatutsadahan wala silang pakialam kung saan man sila naroroon at kahit sa harap nang maraming tao ay nagsisigawan. Siyempre may kanya-kanyang labasan ng baho at ‘yan ang ugat ng kanilang bangayan. May kasabihan nga ang pikon ay laging talo.

Walang gustong magpatalo sa away ng magkapatid pero sa dulo ay magbabati rin ‘yan dahil magkarugtong ang kanilang bituka. May lamat na nga lang.

ABBY AND JUN-JUN BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with