^

PSN Opinyon

Cyber yaya

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMING musmos ang lubhang lulong na sa pag­la­laro ng mga computer games sa kanilang mga electronic gadgets. Kung tutukoy tayo ng isang masamang bisyo ka­sunod ng droga, ito ay ang mga applications sa mga computers na nagtuturo ng masama sa mga bata.

Madalas, ang mga bata ay pinababayaan na lang ng magulang na maging abala sa kanilang tablets o cellphone dahil nagsisilbing parang yaya ang mga instrumentong ito upang hindi sila abalahin ng kanilang mga anak.

Ang sabi ng isang nanay na kilala ko, pinababayaan niyang mag-gadget ang anak niyang lalaki na 6-taong gulang pa lang dahil nananahimik ito at hindi siya iniistorbo sa bahay.

Mabuti kung ang pinupuntahan ng mga bata ay mga educational sites na makatutulong sa pag-unlad ng kani­lang karunungan, pero hindi. Hindi makontrol ang pagpasok sa cyber space ng mga computer programs na humi­hi­kayat sa mga bata na manakit sa kapwa, Pati na sa kani­lang sarili. Minsan, hinihikayat ng mga applications na ito ang musmos na magpatiwakal.

Siguro, narinig na ng marami sa radio at telebisyon at nabasa sa diyaryo ang tungkol sa Momo challenge at iba pa na humahamon sa isang bata na manakit o saktan ang sarili. Bago ito, naririnig na natin ang mga pornographic at dating sites na dito ay marami na ang napahamak.

Panawagan sa mga magulang, huwag nating ipaubaya ang ating mga anak sa computers. Walang masama sa paggamit ng mga ito basta’t ginagabayan natin lagi sila. May mga games na educational. Okay ang mga iyan.

Ang malungkot, walang magagawa ang sino man upang pinilit ang mga tangkang paglalagay sa Internet ng mga applications na magpapahamak sa ating kaba­taan. Kaya tayo nang mga magulang ang sumubaybay sa ating mga anak.

vuukle comment

COMPUTER GAMES

CYBER YAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with