^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ituro ang masamang dulot ng illegal drugs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ituro ang masamang dulot ng illegal drugs

HINDI lamang ang paglupig sa drug syndicates, pushers at pag-rehabilitate sa drug users ang pinagtutuunan ng pansin ngayon ng pamahalaan, kasama na rin sa plano ang pag-educate sa mga batang nasa kindergarten hanggang Grade 12. Ka­ilangan umanong malaman ng mga bata ang masamang dulot nang paggamit ng ilegal na droga at ang mga paraan kung paano ito maiiwasan. Isa­sakatuparan umano ang planong ito sa lalong madaling panahon at ang mga tanggapang sangkot dito ay ang Department of Health (DOH) at ang Department of Education (DepEd). Magtutulungan ang dalawa para masigurong wala nang magiging drug dependent o di kaya naman ay supplier ng ilegal na droga sa darating na panahon.

Makabuluhan ang planong ito ng pamahalaan at maaaring dito na magsisimula ang pagkamuhi nang mga susunod na henerasyon sa ipinagba­bawal na droga. Sa pamamagitan nang pagtu­turo sa mga bata ng kasamaang dulot ng droga, mata­tanim sa kanilang isipan na hindi nga ito ang solusyon para malimutan ang problema at hindi nararapat gamitin sapagkat sisirain lamang ang kinabukasan. Walang magandang idudulot ang bawal na gamot sa buhay kaya nararapat itong iwasan.

Nararapat paghandaan ng DOH at DepEd ang drug education sa mga bata. Nararapat na kumuha sila ng mga ekspertong magtuturo sa mga bata para ganap na maipaunawa ang masamang dulot ng droga. Dapat din na mag-hire ng mahuhusay na health professionals para maipaliwanag ang mga sakit na nakukuha sa pagdodroga. Sa mahusay na pagtuturo, tiyak na maitatanim sa mga bata ang lahat nang kaalaman kung bakit dapat iwasan ang ilegal na droga.

Ang pag-educate sa mga kabataan ukol sa droga­ ang mas epektibong paraan para malutas ang problema sa bansa. Mas maganda ito kaysa mag-ipon ng bangkay ng drug pushers o users habang malaya namang nakakatakas ang mga malalaking sindikato ng droga.

vuukle comment

DRUG USERS

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with